Chapter 7
I still can't believe it. All the hatred that I've been carrying for the past weeks just magically vanished like I never felt such an intense anger to someone.
"Mag-aayos lang ako" nakita ko ang pagbuka ng bibig nito para magsalita ngunit tinalikuran ko na siya at agad na pumasok sa loob ng bahay. Sinaraduhan ko rin ang pinto ngunit ang kamay ko'y nanatili doon sa door knob at napatayo muna ako doon para iproseso ang lahat.
Shutangina anong nangyayari?!
Isaac De Vega, the son of mayor is here. At magtitinda ng pandesal kasama ko kasi gusto raw ng experience. Lintik na buhay. Patay talaga ako nito. Ayaw ko sa kaniya! Pero may magagawa pa ba ako? Scholar ako dahil sa programa ng papa niya kaya hindi ako maka-hindi sa kaniya o ano!
At isa pa, sayang iyong 1k per hour na offer ng gago. Laking tipid sa baon 'yun kung sakali. Idagdag pa iyong damit.
"Bilisan mo!" I heard him shouted from outside.
"T-teka lang! Teka nga!" I shout back, trying to sound normal "Excited? Miss na miss mo ba ako? Hindi mo muna ako pag-aayusin ng sarili? Hindi ka vip uy!"
Dire-diretso ang pagsabi ko niyon pero iyong tibok ng puso ko ay daig pa ang sumali sa marathon.
Kakagising ko lang. Feel ko rin ay oily ang mukha ko at baka may panis pa akong laway! Nakakahiya naman sa Isaac na'to. Mukha akong pulubi sa harapan niya kanina.
"Tsk," was his only response. Napa-irap ako dahil doon. Eh sa aming dalawa, siya nga itong istorbo sa buhay.
Tumakbo ako tungo sa kwarto para kumuha ng maayos-ayos na damit. Nang binuksan ang cabinet ay tumama ang mata ko sa sketch pad kong ilang araw ko nang hindi nabubuklat.
I have to finish my drawing of him as well! Kaya lang ay isang paraan lang ang alam ko para matapos iyon. I have to memorize details of his face. Iyong kapag inisip ko ay tutugma sa pagguhit ko. Hindi iyong magmumukhang alien.
Mabilis akong kumilos kahit sobrang aga palang naman. Ang alam ko ay sarado pa ang mga mall sa ganitong oras. Palengke at panederya palang ni Aling Himena ang alam kong ayos na pagbilihan. Dahil siguradong hindi kami sa mall pupunta pagkatapos kong mag-ayos ay hindi ako naligo. Ang aga pa kaya at ang lamig! At isa pa, papawisan rin ako dahil sa kabibisikleta habang nagtitinda ng pandesal...o sasakay ba kami doon sa kalesa niya?
"Sino 'yun?" Tanong ni mama habang nagmamadali akong magsuklay at nakaharap sa salamin. Nagkatinginan kami ni mama sa salamin. Nasa likuran ko siya.
"Anak ng mayor" simple kong sagot at tuluyang humarap sa kaniya at nagbigay ng halik sa pisngi nito "Alis na'ko ma ha"
Isang hakbang palang paalis ang nagagawa ko ay natigilan ako dahil sa pagsalita ni mama. Napatingin ako dito at inosente siyang tiningnan.
"Ba't nandito ang anak ng mayor?!" Nanlalaki ang mata at punong-puno ng pagtataka niyang bulong sa akin "Iniwan mo lang sa labas. Nakakahiya ka. Papasukin mo muna at pakainin" kinurot nito ang bewang ko. I winced.
Malaki kasi ang utang na loob namin sa mayor. Tinatawagan pa kami nito at minsan ay siya na ang nagpapahatid dito sa amin ng mga ayuda. I am also under his program kaya't iskolar ako kahit hindi naman matalino.
I am grateful for the De Vegas. I am thankful for Isaac's father. Kaya't hindi rin ako maka-hindi sa gagong iyon e'. Ngunit ano pa bang magagawa ko para ibalik ang kabutihan ng ama ni Isaac sa pamilya namin?
"Tawagin mo at pakainin!" Utos ni mama.
"Huwag na" napalayo ako sa kaniya at napahawak sa kinurot nito sa akin. Pinanlakihan niya naman ako ng mata "Ma, wala naman tayong ipapakain doon kay Isaac. At nakakahiya rin, ang liit ng bahay na'tin at hindi maganda tignan. Mas matangkad sa'kin yun. Tatama lang ulo niya sa kisame natin. Alis na'ko! Bye!"
![](https://img.wattpad.com/cover/272450039-288-k111215.jpg)
BINABASA MO ANG
Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)
RomanceErianne Nicole is a beautiful lady, living a tough life. As the eldest child, she knows that her family is holding on her so she forced herself to study and work hard. The pretty lady often describe herself unlucky and full of misfortunes despite of...