Simula
I like how the sunset rays hits my skin. It's not hot. It's warm. Gusto ko rin ang mga kurtina ng maganda at may kalakihang bintana na kaharap ko ngayon. Ang sarap sa balat ng kung anong telang ginamit sa paggawa nito na halatang mamahalin.
Pinaka-gusto ko sa lahat ay ang lamesang pinagpa-patungan ko ng kamay. Sa may parte kasing gilid ay makikita ko ang signature ng kilalang taga-ukit sa lugar na'to. I bet the wood that is used to make this table is rare. And even the chairs with pillows.
What a room on a mansion.
I can see myself dressing like a model at a party. I can smell myself that screams expensive, and my glossy lips that all guys will stare at as they dream of kissing me. In my left hand I'll be carrying my designer bag, my heels will match my outfit, and I might bring glasses so I won't be blinded by the camera's of paparazzi.
This is what my everyday life feels like.
"Naiintindihan mo ba?" Malambing ang tinig pero bakas ang autoridad kong tanong.
But I am not here as the owner of this beautiful mansion, or as a guest, nor a daughter of someone rich, not even a granddaughter.
I am just a plain tutor.
"Wait, Ate Erianne" sambit ng bata at tumitig sa isang parte ng sinusulat niya "I don't really get this part"
And I only get to live a wonderful life when I'm daydreaming.
Napatitig ako sa tinuro ng bata. Siguro ay mga ilang segundo rin akong natulala sa tinuro nito. Kunot ang noo kong tumingin sa topic habang kagat ang ballpen kong hawak. Hanggang sa nakatunganga na lang ako sa papel.
Ang boring talaga. Nakakatamad magturo. Manood na lang sa YouTube ang batang 'to. Kasalanan niya at kinalimutan nito.
"Uhh," I uttered. Naglibot ang mata ko sa buong papel "Hindi naman na 'yan ang i-qui-quiz mo kaya goodbye na diyan. Focus ka na lang dito, baby"
Kumamot sa batok ang bata at tumingin doon sa pinaka-latest na topic na tinuro ko dito kanina. Maging ako ay kumamot na rin sa batok ko.
I am not born a genius, someone with interest in school, or gifted. The only thing I have interest for is art. Iyon lang ang magaling ako at ang gusto kong gawin. But I can't pursue anything about it. Hindi ako pinanganak na mayaman. I have to be practical.
Walang pera sa arts. Or atleast that's what almost every people that I know says. And now, here I am tutoring a kid so I can continue highschool.
"Ate, sorry. Nakalimutan ko na agad 'yung tinuro mo. It's my fault. I promise you won't be fired" he pouted.
Hinawakan ko ang mataba at namumulang pisngi ng bata habang may ngiti sa aking labi "Ayos lang. Limot ko na rin naman"
Nagtataka talaga ako kung ba't hindi pa ako pinapalitan bilang tutor ng batang ito e' mas tinuturuan naman niya ang sarili niya. Pakain-kain nga lang ako rito at nanonood lang sa pag-solve ng bata o kaya naman ay patula-tulala sa labas.
Napahagikgik kaming dalawa at imbis na mag-aral ay kumain na lang kami ng imported na chocolate. Sa totoo lang ay hindi ko ma-appreciate ang mga iyon noong una. Parang mas masarap pa nga 'yung Cloud-9. Ganoon pa man ay nagbulsa pa rin ako ng ilan.
"Hindi ba nagtataka ang mama mo?" Tanong ko kay Lucio na ang dungis nang tingnan "Hindi mababa ang grades mo?"
"Nope!" Masiglang sabi ng bata "Pinapagawa ko kay kuya Isaac! You should meet him. He's a genius, a nice person, and handsome, and tall..." Sunod-sunod na ang papuri nito sa sinasabi niyang Isaac.
![](https://img.wattpad.com/cover/272450039-288-k111215.jpg)
BINABASA MO ANG
Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)
Roman d'amourErianne Nicole is a beautiful lady, living a tough life. As the eldest child, she knows that her family is holding on her so she forced herself to study and work hard. The pretty lady often describe herself unlucky and full of misfortunes despite of...