Chapter 4

6 2 1
                                    

Chapter 4

I took a deep breath. Hindi na ako lumingon pabalik o nagbato ng panibagong mga salita kay Giselle. Sumakay na ako sa madumi kong bike at nagpedal. Mabigat ang dibdib kong niramdam ang hanging nakikipag-laro sa buhok ko at sumasalubong sa aking mukha.

I have enough defending myself.

Iyong gandang tinataglay ko at hinahangaan ng lahat ay isang sumpa rin sa akin kung minsan.

"Tangina mo talaga, Giselle. Lamunin ka sana ng lupa"

Akala ko'y okay na kung sasakyan ko na lang talaga ang trip isipin ng iba sa akin. Pero masakit pa rin talaga at nakakahiya kapag tinitingnan nila ako at binabatuhan ng mga salitang alam ko namang hindi totoo.

Na sa ibaba ka man o itaas, mayroon pa ring hihila sa'yo o tatapak. No matter how beautiful, no matter how smart, no matter how rich, there would always be someone—a witch, an ugly antagonist.

Pasalamat siya't anong oras na't hinihintay ako sa amin. Kung hindi ay baka ni-consider ko pang sampalin siya. Palibhasa't pangit at inggit kaya naninira na lang.

Kasalanan ko bang ako ang crush ng mga crush nila?

"Bakit ngayon ka lang, Erianne?" Tanong ni mama pagka-uwi ko't pagka-pasok "Anong nangyari sa'yo at ganiyan ang itsura mo?"

Kinuha ni Solace ang ulam na dala ko at sinundan naman siya kaagad ng tatlo ko pang kapatid. Ako naman ay dumiretso ng kwarto. Si mama ay sumunod sa akin at pinagmasdan ang pag-alis ko ng damit at pants. Tinakpan ko ang katawan ko ng towel at tamad na tumingin kay mama na naghihintay ng sagot sa akin.

"Anong ginawa mo?" Pinasadahan ako ni mama ng tingin mulo ulo hanggang paa "Daig mo pa kaming mga magsasaka sa itsura ng damit mo. Nag-bukid ka ba?"

"Nag-laro ng putik" kumamot ako ng ulo at dumaan sa tabi ni mama "Ligo lang ako"

"Anong nag-laro ng putik ka diyan? Iyon ang ginawa mo? Kanina ka pa namin hinihintay—"

"Kasama ko iyong anak ng mayor"

Natigilan si mama. Syempre, ano pa ba naman ang masasabi niya? Dumiretso ako sa maliit naming banyo at nagsimulang ayusin ang sarili ko. Iyong tabo namin ay lagayan pa ng ice cream, malaki naman ang timba. Talagang sinadya naming piliin ang malaking timba dahil nag-iigib pa kami. Ayaw namin ng pabalik-balik. Iyong tubig naman ay malamig.

"Pa'nong kalaro mo ng putik ang anak ng mayor?" Naguguluhang ani ni mama. Bakas sa boses nitong na sa gitna siya ng 'paniniwala sa akin' at 'mayroon na akong sayad sa utak'. Mukhang nandoon lang siya sa labas ng pinto ng banyo.

Bigla ko tuloy naisip ang lahat. Iyong pagbuhos ng ulan, ang pagsayaw at kanta ko, at ang pagsimula naming magbatuhan ng putik sa labas ng gate papasok at papuntang mansion ng mga De Vega. Napangiti ako.

"Basta!" Sagot ko na lamang. It's a good story to tell, but also embarrassing.

Hindi ko mapigilang isipin si Isaac. His attitudes, his words and the way he move. Ang sarap siguro ng buhay ng loko na iyon. He can have everything without striving hard. Ang sarap sigurong ipanganak ng mayaman. Wala nang hirap-hirap pa.

Hindi kagaya ko. Ganda lang.

Kung mayaman ako, hindi ko na kakailanganin pang gawin lahat ng ginagawa ko. And I can pursue my dreams. Hindi iyong dapat may ikonsidera pa ako bago pumili ng daang tatahakin. Isaac's really lucky. Kaya ayos lang sa isang iyon ang magsungit-sungit e'. He doesn't need to beg for friends. He can buy anything that can satisfy his self.

Ano kayang feeling ng pahiga-higa ka lang sa buhay. Tapos nagagawa mo ang gusto mo dahil may pera ka naman.

'I will buy you clothes. Just play with me' something like that na usal nito sa akin kanina. Huwag niya lang talaga akong takasan at patay sa akin ang isang 'yon. Subukan niya lang na hindi palitan ang suot ko kanina!

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon