Chapter 8
Naf-feel kong para akong bulkan na malapit nang sumabog. At kung sasabog man ay sana matabunan ng lava si Isaac dahil bwisit na bwisit na ako sa kaniya.
Siya na ang pinaka-mahanging tao na nakilala ko. May itsura naman talaga siya, kaya lang ang pagiging mayabang nito ay sumasapaw sa kagwapuhan niya. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip niya dahil sa pagiging GGSS.
"Jealous amputa. Sino ka ba?"
"Then stop being mad. I'm just being nice here" iyong ngiti niyang malapad ay nabawasan. But he's still smiling. Like he's giving an assurance and remaining to calm down.
"You're not being nice for me. You're being flirty"
Doon na nawala ang ngiti niya. Omg bakit ko iyon sinabi? Dahil nabitawan na ang mga salita ay pinili kong 'wag nang damdamin ang hiya. What I said is honestly, actually embarrassing. Ano naman ang pakialam ko 'di ba? At parang nawalan na ito ng pasensya dahil sa sinabi ko. I think I offended him a bit.
"Pa'no ako naging flirty, huh?"
Dahil ayaw niyang tumabi ay ako na ang nag-adjust na dumaan sana sa gilid niya kaya lang ay hinarangan ako nito!
"Tell me how did you say I was being flirty?" Seryoso na ang pagkasabi niya sa akin at nang tignan ko siya ay titig na titig na ito sa akin. Iyong mga mata niya ay parang kaya nang basahin ang takbo ng isipan ko. Makikita doon ang bahid ng inis. His brows are slightly creased while he's staring down at me.
Suddenly, I felt scared.
"Do I look like I'm flirting with that girl? Does it look like that to you?" Mabagal ang pagbanggit niya ng salita. Kunot ang noo niya ngunit hindi siya mukhang galit.
"Ang sa akin lang...kung gusto mo palang makipag-kwentuhan—"
"Hindi naman iyon ang gusto ko—"
"Hoy, anong ginagawa niyo? Ito na ba ang sinasabi nilang Love Quarrel? Lq?" A voice cut him off.
Naalis ang tingin sa akin ni Isaac at napunta sa may likuran ko. Thank God his attention isn't on me now. Sa boses ay alam kong si Chad ang tinitignan niya ngayon na mukhang sinundan kami. Wala man sa akin ang tingin ni Isaac ay may takot parin akong nararamdaman. Kaysa naman tumitig lang sa kaniya ay umikot ako at tumingin kay Chad na may malokong ngisi. It took me everything to move. Now I feel like I'm gonna stutter if I speak.
"Pinagsasabi mo..." Medyo mahina kong tugon.
"Ba't ka nag-walkout?" Tanong naman niya at napunta ang tingin kay Isaac. Naglakad rin ito papalapit pa sa amin habang nakapamulsa.
"Nagmamadali ako kasi kailangan kong maubos lahat 'to bago magtanghalian" itinaas ko ang dalawang supot ng pandesal "Hindi lang naman kasi ito ang kailangan kong gawin ngayong araw"
"Marami ka palang gagawin e' bakit ka pa magtitinda ng ganiyan" sabat ni Isaac. Medyo naf-feel ko pa iyong tensyon kanina pero ayaw ko namang magmukhang apektado kaya nilingon ko siya.
"Hindi po kasi ako mabubuhay at wala ring makakain ang pamilya namin kung hindi ako nagbanat ng buto, mahal na prinsipe" peke akong ngumiti at nilampasan siya.
I need to get going. Mamayang pagkatapos ng tanghalian ay magpapahinga lang ako saglit. Alas dos naman ang schedule ko sa mansion ng mayor para i-tutor si Lucio.
"Ows. Hindi mo alam 'yon, Isaac. Mayaman ka kasi. Hindi mo kailangan paghirapan ang mga bagay-bagay" pakinig kong tugon ni Chadelior.
Tila ba nangongonsenya pa ito. But I guess it didn't work? Kasi nakalayo-layo na ako nang lumingon sa may likod ko makalipas ang ilang sandali at nakumpirma kong hindi na nga niya ako sinundan at hinayaan na lamang. I sarcastically smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/272450039-288-k111215.jpg)
BINABASA MO ANG
Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)
Roman d'amourErianne Nicole is a beautiful lady, living a tough life. As the eldest child, she knows that her family is holding on her so she forced herself to study and work hard. The pretty lady often describe herself unlucky and full of misfortunes despite of...