Chapter 10

6 3 0
                                    

Chapter 10

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman kong panig sa akin ang lahat. Hindi maganda ang reputasyon ko dito sa school kaya't malaking bagay na sa akin na kahit ngayon lang, naniniwala ang mga kamag-aral kong ako ang biktima.

Hindi raw tino-tolerate sa school na 'to ang bullying. Masaya ako na hindi kagaya sa mga palabas, mas iniisip ng mga namamahala ng school ang kapakanan ng estudyante kaysa sa pangalan ng paaralan.

Giselle and her two other ugly friends are expelled. Iyong isa namang nagpapunta sa akin sa canteen ay wala raw ideyang ganoon ang mangyayari. Napag-utusan lang raw itong papuntahin ako sa likod ng canteen kaya't hindi siya na-expell o suspended. Nakaka-manghang isipin na wala na sila Giselle at mga alipores niya ngayon dito. Kaninang umaga pagbalik ko dito sa room, wala na ang mga bag ng tatlong pangit na umapi sa akin kahapon.

"Hindi ka man lang nagsabi sa akin na may nangyari palang ganoon kahapon," kunot ng noo ni Herra pero hindi siya mukhang nakakatakot kagaya ni Isaac. Mukha siyang cute. Mukhang nagtatampo "Buti nalang at na-aksyunan kaagad! Kung hindi, talagang ire-reklamo ko. Sa susunod magsabi ka sa'kin!"

"Opo, madam" napangiti ako "Wala namang sumusubok sa akin makipag-away 'no. Alam rin naman nilang iba rin ako kung makipagsabatan... Hindi nga lang kayang lumaban ng pisikal"

"Hindi rin ako lumalaban ng pisikal. Pero kapag may umaway ulit sa'yo, mananabunot talaga ako"

Napa-tawa ako dahil sa narinig mula sa kaibigan. Kung may umaway rin naman sa kaniya ay handa akong makipag-sabunutan kung kailangan. Pero alam ko namang walang papatol kay Herra. Walang nakaka-inis sa kaniya. Imbis na awayin, mas gugustuhin ng mga taong alagaan ito.

"Nakita ko ulit 'yong crush ko kanina..." Napakagat ito sa malambot at mapula niyang labi "Nagkatinginan kami sa mata at nginitian niya ako! Guwapo!"

"Ano bang pangalan ng crush mo?" May nanunuksong ngiti kong tanong sa kaniya.

"Ayaw kong sabihin. I feel like you know him" napahagikgik ito "Kayo ni Enzo?"

"Anong kami ni Enzo?" Umirap ako at sinimulan na naman niya akong tuksuhin. Napa-iling na lamang ako.

Muntikan pang ma-deduct ang score ko sa quiz namin kanina! E' saktong-sakto lang naman na umabot ang nakuha ko sa passing score. Mabuti nalang inialis ng secretary ang pangalan ko sa listahan ng mga tumakas at hindi pumunta sa gym kahapon. Hindi tuloy deducted ang score ko sa quiz.

Gumaan ang pakiramdam ko. Wala nang mang-aaway sa'kin. Wala nang tatawag sa akin ng malandi at manggagamit.

"Hindi muna ako sasabay sa'yo pauwi ngayon. May pupuntahan kasi ako bago dumiretso sa mansion ng mga De Vega" paalam ko kay Herra habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.

Hapon na at uwian. Mabuti na lang at hindi ako Friday cleaners kaya hindi ako late makakaalis dito sa school.

"Sa'n naman ang punta mo?" takang tanong ng babae sa akin. Routine na kasi naming siya ang naghahatid sa akin sa mansion ng mga De Vega tuwing uwian. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang tutor ako ni Lucio na pamangkin ng mayor.

Ayan, nagtanong na! Pinigilan kong mapamura dahil hindi ko alam ang isasagot.

May usapan kasi kami ni Isaac. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi sa akin kaninang umaga nang magka-usap kami sa labas ng Guidance Office bago naghiwalay. Pero siya raw ang magsusundo sa akin dito sa school at maghahatid ngayong araw papuntang mansion. For some reason, I agreed. Syempre, siya naman ang may dahilan kung bakit na-expell agad ang mga nambully sa akin. If it wasn't for his power, none of the fortunate events that happened today will happen. The person on the Guidance Office was on my side despite of my bad records because Isaac was on my side. 

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon