Chapter 13

8 1 0
                                    

Chapter 13

"Don't flirt with anyone...unless it's me"

Are my ears playing tricks on me or he really said those words?

Natigil kaming dalawa sa paglalakad ngunit ang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa pulsuhan ko. Kaunting hakbang na lang ay nasa may kubo na kami na walang ibang tao at medyo malayo doon sa dalawa pang kubo kung nasaan ang mga kasama namin.

I tried opening my mouth because I felt like I should say something. Pero ano naman ang sasabihin ko?

"D-don't... Don't do anything stupid" he mumbles. Kanina ay parang galit siya. Ngayon naman ay parang nag-iingat na sa sasabihin. He tilted his head to the left, making me unable to see his face. Gumalaw iyong Adam's apple niya, hudyat na lumunok ito.

Parang panaginip. Anong nangyayari? Na sa may tabing dagat ako, maliwanag ang paligid dahil sa araw na siyang nagbibigay ilaw hindi lamang sa ulap kundi maging sa puting buhangin na tila ba kumikislap... tapos may isang lalaking hawak ang pulso ko. Parang hindi totoong nandito ako.

"Ano bang pinagsasabi mo?" My voice is unbelievably softer than normal.

Hindi siya sumagot o tumingin man lang sa akin. Bahagya pa siyang nakayuko. I can only see his jawline and the tip of his nose. Humigpit ng kaunti ang hawak niya sa pulso ko.

Nakarinig kami ng hagikgik at sabay na napalingon sa kung saan. Sa may malayo ay natanaw namin si Francois at Venice na hawak kamay at naglalakad papunta sa kung saang parte ng beach na 'to. Mukhang gusto nilang mapag-isa. They look cute together. Nakangiting pinagmasdan ni Francois si Venice at binasa ang pula nitong labi. Inlove na inlove lang.

"He obviously likes her, right?" Si Isaac. Ramdam kong nasa akin na ang tingin niya pero pinanatili ko ang tingin ko kila Francois.

Hindi ko kayang tingnan si Isaac. Hindi ko alam kung bakit pero lahat ng tapang at kakapalan ng mukha ko ay naglaho. Tumango na lang ako bilang sagot.

"They look nice together. Ni-friendzone nga lang ni Venice si Francois. Kawawa" he chuckled.

"Si Francois, na-friendzone? Hindi siya mukhang pang-kaibigan lang" tumawa ako at pasimple kong hinila ang kamay kong hawak niya bago nag-angat ng tingin kay Isaac. Nagkatagpo ang mga mata namin.

Inilagay nito sa magkabilang bulsa niya ang kamay at ngumisi sa akin. Saglit na umihip ang hangin dahilan para gumalaw ng bahagya ang buhok niya. Ganoon rin sa buhok kong humarang ang ilang hibla sa mukha ko. Before I could fix my hair, he tucked the strand blocking a part of my face behind my ear. He did it in a slow manner. I almost flinched when I felt his warm hand on the skin of my ear. His eyes are sparkling. Kinapos ako ng hininga.

"Wala kang tali?" Marahang tanong nito sa akin "Mukha kang gurang"

Agad tumalim ang tingin ko sa lalaki. Andami-daming pumupuri sa buhok at mukha ko tapos tatawagin niya lang akong mukhang gurang! Tinaas ko ang kamao ko habang masama ang tingin sa kaniya. He chuckled lowly.

"May tali ako, naiwan ko lang sa bag"

Napailing-iling siya pagkatapos ay tumanaw doon sa dagat kung nasaan ang mga ka-tropa niya. Nagtungo na lang rin tuloy doon ang tingin ko. Pinagmasdan ko ang kapatid na si Sol. Hawak niya ang bola at nag-spike pero hindi malayo ang narating niyon. Tinukso tuloy siya ni Chad at napa-tawa nalang ako dahil sa kulitan nila. Mukhang naglalaro sila ng volleyball sa tubig.

Mainit at gusto kong magreklamo pero nakadikit na yata ang paa ko sa puting buhangin na tila ba kumikislap. Mas lalo yata akong iitim ngayon, ah. Morena na nga ang kulay ng balat ko. Baka bukas kasing-itim ko na si Alexis.

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon