CHAPTER 1

45 0 0
                                    







"Ikaw na naman Angeles?"   halata ang irita sa  kulubot na mukha ni Mrs. Cruz nang makita akong hatak hatak ni Ms. Loma sa uniform.



"Ano na namang ginawa niyan?"  tanong nito


"Vadalism, Bullying and Robbery"  sagot ni Ms. Loma bago niya ako bitawan.

"Sana sa presinto mo na lang yan dinala!"  


"Kung pwede lang Mrs. Cruz eh"  



Naupo ako sa isang chair at tumingin sa malayo, wala naman akong pakialam kung san nila ako dalhin. 

Lumabas si Ms. Loma at tumingin naman sakin ang matandang may apat na mata. Galit siya, nag mukha tuloy siyang Angry Bird.


"Robbery huh? anong ninakaw mo?"


"Cellphone?"   Walang galang kong sagot


"Nasaan na?"



"Nasa ilog na..... sabi ko naman babayaran ko siya. Kung gusto niya iphone pa ang ipapalit ko sa bulok niyang cellphone!"


"Angeles!! alam mo ba kung ano ang value ng cellphone na yun kay Hanna?"


"Malay ko bakit ako yung tinatanong mo?"  


Nakita ko ang pag usok ng ilong niya sa galit. Natawa ako sa mukha niya kaya mas lalo siyang nagalit.

Padabog siyang tumayo at lumapit sakin pero tumigil nang biglang bumukas ang pinto.


"Ahmmm...excuse me po..ako po yung transfer from Bestlink College"

Tumingin siya sa nagsalita at binigyan yun ng matamis na ngiti.


"Ohh ikaw yung Dela Verde tama?" 


"Opo..."  


Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harapan ni Mrs. Cruz at napairap.

Isa na namang anghel ang sumulpot dito sa lupa.

"Hindi ako ang magiging adviser mo pero magiging subject teacher mo naman ako, halika ihahatid kita sa klase mo" 



Tumayo silang parehas at iniwan ako dito. Sumulyap pa sakin yung Dela Verde  bago sumunod kay Tanda.


Nung wala na sila mabilis akong nag tungo sa lamesa ni Mrs. Cruz at tinignan ang requirments ni Dela Verde


Name: Cloud Renz Dela Verde
Sex: Male     Age:  19 yrs old
Grade:   Grade 12
Year Level:  Senior High School.
Former School Attended:  Bestlink College of Philippines.
School Attended: St. Clare College.

Averange 1st Sem:   92%


Nakita ko din ang 1×1 and yung 2×2 id picture niya, walang kadaya daya dahil kahit walang filter yon o walang edit ay napakagwapo niya.



Kinabukasan pinalitan ko yung cellphone ni Hanna, katulad ng sabi ko kay Mrs. Cruz iphone nga yung binigay ko.

Hindi siya nagalit at mukhang masaya pa siyang sinira ko ang cellphone niya at tinapon sa ilog. Paano ba namang hindi siya matutuwa eh luma na yung cp niya at puro basag na, mabilis din malowbat kaya tuwang tuwa siya nang makita niya yung iphone na hinagis ko sa kanya.

Ikaw at Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon