CHAPTER 6

10 0 0
                                    





Natapos ang maliligayang araw ay balik skuwela na naman. Pinaskil sa bulletin board yung grades namin at halos mapatalon ako sa tuwa nung makapasa ako.



"WHAAAAAAAA!!! I DID IT CLOUD..I DID IT!"   talon ako ng talon sa sobrang saya, napayakap pa ko sa kaniya dahil sa tuwa.



"LET'S HAVE A DINNER LATER OKAY? TREAT KO...ANO? HA? ANO? HAHAHA PAYAG KANA PLEASE..."    



"Hahaha oo na, oo na...kulit mo" 



"WHAAAAA!!! Thank you so much!!"  i hugged him again.


Dahil halos isang buwan kaming nag bakasyon ay maraming pinagawa sa amin, may apat na assignment, gagawa ng powerpoint sa Physical Science at sa Oral Com.. Meron pang project sa Hope.



Hindi ko alam ang number ni Cloud kaya sinulatan ko siya na pinaabot ko sa classmate niya.


'8:00  pm sa Zabarte Restaurant, don't be late' 



7:30 palang ay nakaready na ako. Nakasuot ako ng rip jeans at sandals na may 4 inch na heels. Sa top naman ay naka maroon na off shoulder ako. Pinaayos ko din sa Yaya Dina ang buhok ko.




Nag lagay ako ng manipis na make up.





Saktong 8:00 ako nakarating don. Nakita ko si Cloud na nakatayo na mukhang kakarating lang din.




Tumakbo ako palapit sa kaniya at ginulat siya pero hindi naman siya nagulat.



Napasimangot tuloy ako.



Naupo kami sa table for two at nag order ng pagkain para sa aming dalawa.



"Mukhang mahal dito.."   Inilibot niya pa ang tingin niya sa buong Restaurant at pinagmamasdan ang bawat interior nito.




"It's okay... wala sa akin yun" 



Dumating na din ang order namin kaya wala ng nag salita sa amin, hindi ako nag lunch break kanina dahil dito. Mabilis kasi ako mabusog.


'Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling at nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli.


Ang pag asang nahanap ko sayong mga mata at ang takot kong sakali man'g ika'y mawawala.....'




Sa kalagitnaan nag pagkain namin ay biglang tumugtog ang kantang iyon.



....Ang sikat na kanta ni Moira Dela Torres, ang Ikaw at Ako.




'At ngayon andiyan ka na, hindi mapaliwanag ang nadarama. Handa ako sa walang hanggan, sa hirap at ginahawa'y iibigin ka.
Mula noon , hanggang ngayon. Ikaw at Ako.



Napatingin ako kay Cloud na busy sa pagkain, sa itsura niya mukhang nag eenjoy siya. Napangiti ako nung bigla ko siyang naisip habang pinakikinggan ko ang kanta, iniisip ko na ako yung kumakanta at siya naman ang tinutukoy ko sa kantang ' Ikaw at ako.



Ikaw at Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon