Nag Jogging ulit ako sa park kung saan ako nag jogging last time. Naupo ako bench nung mapagod ako at iniinom ang tubig na baon ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paginom ng tubig when i feel someone sat beside me. Nanlaki ang mata kong nakita sa tabi ko si Cloud.
"Bakit mag isa ka?" Tanong niya habang nakatingin sa puno kung saan ko siya nakita last time. Wala yung matandang babaeng kasama niya.
"Wala akong kasama eh.."
"Hahaha... i heard everything, i'm so proud of you" Ngumiti siya sakin na parang hindi siya galit.
"Galit ka sakin diba?"
"Oo..pero noon yun, hindi na ngayon"
Namula ang pisnge ko nung bigyan niya ulit ako ng matamis na ngiti kasabay ng pag gulo niya sa buhok ko.
Parang may kung ano sa dibdib ko ang hindi mapakali sa sobrang gulo nito.
Kinalunesan in-announce ng SSG ang tungkol sa nalalapit na exam para sa 3rd Quarter kaya lahat naging busy nung sumunod na araw, kahit na ako.
"Here" inabot sakin ni Cloud ang isang libro bago naupo sa tabi ko.
Andito kami ngayon sa library dahil nag presinta siya sa akin natutulungan niya daw ako. Hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko din naman ang offer niya.
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kalagitnaan ng pag aaral namin, dinilat ko ang mata ko at nakita si Cloud na mahimbing na natutulog.
Nakaharap siya sakin kaya kitang kita ko kung gaano kakinis ang mukha niya, kung gaano kahaba ang pilikmata niya, kung gaano kaganda ang kilay niya at kung gaano siya...kagwapo.
Napangiti ako nang mag pout siya at mukhang nananaginip, pipindutin ko pa sana ang ilong niya kaso nagulat ako nung bigla siyang dumilat at napaayos pa ng upo.
"Sorry..kanina pa ba ko tulog?"
"Oo..tulo laway ka nga eh" i teased.
Pinunasan niya ang bibig niya at umiwas ng tingin sa akin dahil sa hiya.
Kinabukasan maaga niya kong pinapasok para daw matagal ang oras namin sa pag aaral at sa pagtuturo sakin lalo na sa math.
Sinasagutan ko ang mga ginawa niyang reviewer para sakin habang siya naman ay nag hahanap ng libro na pwede niya pang ituro sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi tumungin sa kaniya, bawat anggulo kasi ng mukha at ng katawan niya ay napakasarp titigan. Umiwas lang ako ng tingin nung lumingon siya sakin. Nag papanggap na sinasagutan ang papel na nasa harapan ko.
"Tapos kana?" tanong niya nang makabalik sa pwestp namin dala ang mga makakapal na libro.
"Oo..here!" inabot ko sa kaniya ang mga papel.
Tinignan niya naman yun bago kinuha ang pulang ballpen niya at chineck yon.
Nakangiti siyang lumungon sakin habang binabalik ang papel na sinagutan ko.
"Good job Cha!..." 73/100 ang nakuha kong score.
Medyo mataas kaysa sa nauna na 51/100!
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Non-FictionSi Charity Gwen Angeles ay isang mayamang dalaga na lumaking may problema sa pamilya. Sa sama ng loob sa mga magulang niya ay binubunton niya ito sa mga taong nakakasalamuha niya, gumagawa siya ng bagay na ikakasaya niya ngunit ikakasama naman ng ib...