CHAPTER 5

16 0 0
                                    





"HAPPY NEW YEAR!!!!"     Sigaw ng mga kapitbahay nila Cloud.

Sabay sabay naming pinagmasdan ang magagandang fireworks na nasa kalangitan habang nakangiti. 

Nung pasko nasa bahay ako  pero pag patak ng 12:30am ay pumunta ako dito kila Cloud para batiin sila at dalhan ng inihanda naming cake.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak ng palihim nang makita ko si Daddy na ng luluto ng pasta para sa Noche Buena. Binigay niya din sakin ang regalo niyang kwintas. Hindi pa kami okay dahil hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa kaniya.


Wala si Daddy ngayong New Year dahil sa business kaya sinabi kong okay lang ako dahil kasama ko ang kaibigan ko sa countdown.  Binalak niya kasing icancel yon.


"Ang tao may mga dahilan kung bakit sila masaya...ikaw ano bang dahilan mo?"

Nagulat ako sa pagsulpot ni Cloud sa likod ko. Mukhang napatulog na siya si Lola.

Nakita niya sigurong nakangiti ako habang pinag mamasadan ang mga bituin?

"May rason ba?" 

"Oo...haha masaya ako dahil sa Lola ko"  Masayang sabi niya at mahahakita mo yun sa mga mata niya.

"Masaya ako sayo..."    bulong ko

"What?" 

"Huh? Hahaha wala ang sabi ko masaya lang ako, walang dahilan"  

Kinabahan ako don ah. Akala ko narinig niya.

"So in love ka na nga talaga?"  

"Ano na naman yang sinasabi mo?"   Inis akong lumingon kay Wendy nung mag salita siya.

Andito kami ngayon sa Mall, inaya niya ako dahil kakauwi niya lang galing probinsiya. Ililibre niya daw ako.

"Kahit sinong makakakita sayo sasabihing in love ka!"   pag pupumilit niya.

I rolled my eyes at her bago ko binaling ang tingin ko sa men's wrist watch.

Ano kayang gusto niyang kulay??

"Eh ano naman sa kanila?"

"Alam na ba niya? ano ng status niyo? hihihihi same feelings ba?"   sunod sunod na tanong niya.

"Kukuhain ko po ito...Card"   turo ko sa kulay blue na silver wrist watch tapos binigay ko ang card ko.

Habang inaantay ang binili ko lumingon ako kay Wendy na halatang excited na sagutin ko ang tanong niya.

"Bakit kailangan niyang malaman? "   irita kong tanong sa kanya.

"Salamat...."  nag umpisa na kaming mag lakad nung nakuha ko na yung binili ko.

"Aba malamang!...malay mo same feelings!!"  

"Ewan ko sayo..kaka kdrama mo yan!!"


Ikaw at Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon