"Congrast hija"
"Congrats Anak"
Bati sakin ni Mom at Dad, binigyan nila ako ng bouqet of flowers at hinalakin angpisnge ko ng sabay. Nag take pa kami ng picture na ipinalagay pa sa napakalaking frame.
Isang taon na ang lumipas noong umalis si Cloud, at ako naman ngayon ay graduate na ng senior high school.
Walang araw na hindi siya pumasok sa isip ko, walang oras na hindi ko inisip kung kumain na ba siya o kamusta na siya doon. Madiskarteng tao si Cloud kaya alam kong hindi siya nahihirapan doon.
Maaga akong natutulog para pag gising ko kinabukasan na agad, kung pwede lang manipulate ang oras eh.
5 years na wala siya...napakaraming nangyari, nakagraduate ako ng College at naging President ng kumpanya ni Daddy.
Si Wendy naman magiging mommy na, may 3 months old na kasing baby sa tiyan niya.
Si Mom and Dad ay gumawa ng kapatid ko, he's Draven Sky and he's already 3 years
Naging photographer din ako, kapag kasi walang trabaho sa office ay naboboring ako. Matagal na akong photographer siguro mga 4 years na. Minsan sa photo shoot ng mga model, birthday, binyag at madalas sa kasal.
Yung kinikita ko sa pag po-photographer ay inilalaan ko sa Charity Work ko, pinag patuloy ko ang gawain niya.
Nag patayo din ako ng skuwelahan para sa mga batang gustong mag aral, lahat don ay libre kaya wala na silang aalalahanin pa.
Nakatingin ako sa ulap at nakangiti, pinagmamasdan kung gaano kaganda ang langit na nababalutan ng mga ulap.
Dinama ang napakasarap na hangin na kusang yumayakap sa akin at dinadama din ang init na unti unting tumatama sa balat ko.
"Goodmorning Cloud"
---------
Almost 1 week na akong andito sa Maynila at tumutuloy sa bahay na pinagawa ko dito.
Hindi ko pa siya nakikita dahil konti lang ang oras kong mag libot, kahit kasi andito ako sa Maynila ay nag tatrabaho pa din ako sa laptop ko.
Pero buti na lang day off ko ngayon kaya makakagala ako.
Nag punta ako sa Luneta Park, Ocean Park, Memorial Circle, Manila Zoo, Intramuros Manila at iba pang pwedeng galaan.
Gabi na noong natapos akong mag-gala ,siguro mga 8:00 pm. Nakakagutom pala mag gala lalo na pag mag isa ka? hahaha
"Here's your order madam" Ngumiti lang ako sa crew at nag umpisa ng kumain.
Andito ako sa isang restaurant medyo malapit sa bahay ko.
Nung natapos akong kumain nag pahinga lang ako saglit at nag pasiya ng umuwi.
Palabas na sana ako sa restaurant na yun nang makita ko ang isang napakapamilyar na tao.
Bumilis ang tibok ng puso ko at sa sobrang bilis neto posibleng mag karoon ako ng heart attack.
Matagal kong hindi naramdaman ang gantong pakiramdam kaya mukhang ngayon bumawi ang mga halimaw sa loob ng dibdib ko.
Wala itong tigil hanggang sa mapahinto siya at tumingin sa gawi ko. Mas lalong nag wala na parang siraulo ang ano mang nasa loob ko.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Non-FictionSi Charity Gwen Angeles ay isang mayamang dalaga na lumaking may problema sa pamilya. Sa sama ng loob sa mga magulang niya ay binubunton niya ito sa mga taong nakakasalamuha niya, gumagawa siya ng bagay na ikakasaya niya ngunit ikakasama naman ng ib...