The next day maaga ako nagising para pumasok, kung noon hindi ko kinakain ang mga hinahanda ng maid na pagkain para sa akin ngayon naman ay halos mabulunan na ko.
Bago pa ako umalis ay nilagay ko sa isang tupperware ang bacon & cheese bread at ang mga prutas na hiniwa hiwa.
Nag paalam ako sa mga maid at kumaway pa, alam kong nag tataka sila sa inaasta ko pero wala akong pakialam don.
Dumeretso ako sa library kung saan posibleng andon siya, pagpasok ko palang ay nakita ko agad siya. Malayo siya at nakatalikod pero alam kong siya yon.
Inangat niya ang paningin niya na kasalukuyang nag babasa ng libro at tumingin sakin na naupo sa tapat niya.
"Kumain kana?" tanong ko habang nilalabas ang mga notes ko. May quiz kami mamaya kaya mag rereview ako.
"Bago pumasok.."
"Anong oras ka ba pumasok?"
"6:30 am.." tipid na sagot niya na nakatingin pa din sa libro.
Tumingin ako sa orasan na nasa pader at nakitang quarter to 8 na.
Inilabas ko ang tupper ware at itinulak iyon ng mahina sa harapan niya, naagaw naman nun ang atensiyon niya at nag tataka akong tinignan.
"Kain na" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at ganon din siya.
Pinanood ko siyang kinakain ang binaon kong bread sa kaniya habang nakatuon pa din ang atensyon sa librong binabasa.
"Focus on your notes...not on me"
Nag review na lang ako hanggang sa tumunog ang bell, hudyat na oras na ng klase.
Sabay kaming nag lakad at walang pakialam sa mga matang nakatingin sa amin, basta ako...masaya akong kasama ko siya.
Gusto ko siyang ayain mamaya mag dinner kaso baka may gagawin siya mamaya, baka may trabaho siya.
"Hmmm Cha." papasok na sana ako sa room nung tawagin niya ko.
Nilingon ko siya at tinanong kung ano yun.
"P-Pwede bang...ayain kang l-lumabas mamaya?"
Nahihiyang sabi niya.
Namula ang pisnge ko dahil don, pakiramdam ko kamukha ko na yung babae sa movie na 'Exo boy next door' .
"O-Oo ....Oo naman!!" Agad akong nakabawi kaya ngumiti ako sa kaniya.
Pumasok na kami sa kaniya kaniyang room.
"Uyyy hahaha si Charity namumula oh"
"Ganiyan pala ang epekto ng pagibig!!"
"True kaloka ang mima niyo kaya pala hindi na abugbug berna kasi inlababo na!" Sabi ni Jherick, bading kong kaklase.
Sinamaan ko naman sila ng tingin pero hindi ganon kasama katulad noon.
Natawa lang sila sa reaksiyon ko at nanahimik na nung dumating si Ms. Loma.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Non-FictionSi Charity Gwen Angeles ay isang mayamang dalaga na lumaking may problema sa pamilya. Sa sama ng loob sa mga magulang niya ay binubunton niya ito sa mga taong nakakasalamuha niya, gumagawa siya ng bagay na ikakasaya niya ngunit ikakasama naman ng ib...