CHAPTER 4

19 0 0
                                    













"A-Anak anong gusto mong regalo ko sayo sa pasko?"  



"Kahit ano po mama, kahit nga walang regalo ayos lang dahil andiyan naman kayo ni papa"  



Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait sa nasaksihan ko ngayon dito sa Mall. Niyakap nung mama niya yung bata at umalis na.


Naalala ko si Mommy noong nasa grade 2 kasi ako hindi niya ko tinatanong kung anong gusto ko, binibigay niya lang ang mga mamahaling laruan bilang regalo. Ganon din si Daddy bibilhan niya ako ng barbie pati ng malaking doll house. Hindi pa nakabalot dahil wala na silang oras dahil sa trabaho. Kahit pasko nag tatrabaho sila kaya tuwing pasko noon ang mga katulong sa bahay lang kasama ko.


Not until nakilala ko si Wendy, tuwing Christmas Eve iniimbitahan niya ako sa kanila para doon na mag Noche Buena pero umuuwi din ako agad kahit wala pang alas dose dahil nag hahanda pa din ang mga katulong kahit na ako lang yung andoon.



2 week before Christmas halos kila cloud na ako tumira, palagi kasi akong andoon mapa- umagaa hanggang gabi. Walang nagagawa si Cloud dahil ayaw ako minsan pauwiin ni Lola. Minsan naman dun ako natutulog lalo na kapag madaling araw ay gising na si Cloud para pumasok sa trabaho, ako kasi ang nag babatay kay Lola.




Papunta na ako ngayon kila Cloud nang makasalubong ko si Daddy, galing business trip.


"Where are you going?" 


"Somewhere" 



"Oh..O-Okay"     I was about to walk outside when i heard him speak..

"Christmas are coming...w-what do you want?" 



"A-Anything...."   Utal kong sagot.


Ito kasi ang unang beses na narinig ko yun kay Daddy, ang sarap pala sa pakiramdam. Tumango lang siya at ako naman ay umalis na.



Dumaan muna ako kila Wendy para kamustahin sila Tita Malou. Umalis din agad matapos ang 20 mins. Wala naman kasi don si Wendy dahil nasa Palawan siya at dumalaw sa lolo at lola niya.


Pagkarating kila Cloud pumasok agad ako para ilapag ang mga grocery na binili ko kahapon, pang Noche Buena.


"Si Lola?"   tanong ko kay Cloud na bagong ligo.


"Wala nasa Lakan Hall, linggo linggo may progam doon na para sa mga katulad ni Lola"  paliwanag niya.


Tumango ako at inantay siyang lumabas sa kwartong pinasukan niya. Paglabas niya nakabihis na siya.


"San ka naman pupunta? Simba?"  




"Nag simba na ako kaninang umaga bago ihatid si lola...pupunta ako ngayon sa ampunan dahil may gagawing Charity ang simbahan"  Sagot niya habang binobotones ang navy blue na polo niya.


"Charity??"


"Oo hahaha...gagawin ka namin"   biro niya.


Natawa ako kahit papaano sa simpleng joke niya. Sumama ako sa kaniya tutal wala naman akong gagawin. Nung una ayaw pa niya dahil baka maboring ako pero nag pumilit ako.


Nang makarating kasi sa simabahan ay bumaba kami sa kotse ko at sumakay sa owner na sasakyan namin, doon daw sila sumasakay kada may gantong lakad.


Ikaw at Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon