CHAPTER 8

9 0 0
                                    





Bawat araw na lumilipas palaging saya at kilig lang ang nararamdaman ko, palagi kasi kaming sabay kung pumasok. Minsan susunduin ko siya pero minsan din naman ay inaantay niya ako sa parking lot para sabay pumasok sa classroom.

Tuwing weekend naman ay kung hindi kami mag di-dinner o mag lu-lunch ay mamasyal kami. Katulad nung nakaraan nag punta kami sa Mall at nanood ng cine. Matapos ay kumain kami at umakyat sa rooftop.


"Masarap pag masdan ng mga ulap...naaalala kasi kita"   Usal ko habang nakatingin sa ulap.

Natawa naman siya at tumingin din doon.

"Ako kahit hindi ko pag masdan ang bulaklak maaalala kita"    Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Bumilis tibok ng puso ko at ramdam ko din ang pag init ng pisnge ko.


"A-Ang corny mo!..."

Ang corny ng banat niya nung araw na yon pero hindi ko maiwasang kiligin. Napatitig naman ako sa kaniya at sa labi niya.

Hindi ko namalayan ang sarili kong hinalikan siya, gulat niya akong tinignan at hindi alam ang magiging reaksyion. 


Ayun yung araw na binigay ko ang unang halik ko.

Gusto ko kasi ang first kiss ko ay ang tao ding makakasama ko habambuhay.

Lumipas pa ang mga araw  at dumating din ang February 14, araw ng mga puso.  Nag patulong ako mag bake sa maid namin ng cupcake na hugis puso, para kay Cloud at kay lola.

Lunes ngayon kaya maaga akong pumunta sa kanila. Gising naman na sila pag punta ko don.

Naliligo daw si Cloud kaya inantay ko na lang siya sa sala kasama si lola.

"Happy valentines po lola"   sabay abot ng isang box ng heart cupcakes.

"S-Salamat hija"  

Tinago niya muna iyon para daw hindi makita ni Cloud. Hindi na daw kasi surprise kapag nakita na.

"Malapit na hija.."   napatingin ako kay lola dahil sa makahulugan niyang salita.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot, bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Hiram lang ang buhay ng tao...kaya kung binabawi na ito sa akin, hinding hindi ako mag rereklamo"   Alam kong naluluha si lola kaso pinipigilan niya iyon.

Natatakot na baka biglang lumabas si Cloud at makita siyang ganon.

"Ibabalik ko ito ng walang galit at pag aalinlangan


Niyakap ko si lola para pigilan siya sa pag sasalita, mas masakit ito sa pag alis ni Mommy dahil ang pag alis ni lola ay ang pag alis na wala ng balikan kahit kailan.

Makalipas ang isang linggo ay tadtad kami sa gawain, project at mga test. Nalalapit na naman ang exam kaya kailan gawin ang lahat.

Ilang linggo na lang din ay March na, gagraduate na kami....

Pag punta sa library napasibangot ako dahil wala na naman doon si Cloud...tatlong araw na siyang wala doon.

Tatlong araw na din siyang hindi pumapasok.

Ikaw at Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon