"Ipapatawag ko na ang Daddy mo this time Ms.Angeles! Halos araw araw ka dito sa Guidance office hindi ka ba nahihiya?"
"Gusto mo gawin ko pang 3 time a day eh!" pamimilosopo ko kay Mrs. Cruz
"Angeles!!"
"Oh bakit Cruz?"
"Hindi ko na alam ang gagawin sayo! Habang tumatagal pahaba ng pahaba yang sungay mo. Kababae mong tao napaka bastos mo!"
"Di mo sure.."
Natawa ako sa reaksiyon niya nang sabihin ko yun. Halos lumuha ang mata niya at mabasag ang salamin.
"2nd Sem na Charity pero ikaw wala kang ginagawa para ayusin ang mga grades mo! Anong gagawin mo? gagawa ng himala para maka graduate? tandaan mo graduating ka kaya umayos ka!"
Dumating si Daddy kaya umalis ako don, kahit na mapaos kakasigaw si Cruz ay hindi ko siya pinansin. Nag patuloy lang ako sa pag labas sa office niya.
Kung hindi lang nag sponsor si Daddy sa skuwelahan na to siguro matagal na kong kick out dito.
Palaging si Daddy ang umaayos ng problema ko sa mga skuwelahan na pinapasukan ko gamit ang pera niya.
Kinagabihan habang kumakain ako, biglang pumasok si Daddy at padabog na binagsak ang briefcase niya sa lamesa. Sumandal ako sa upuan at pinag cross ang mga braso ko. Inaantay ang sunod niyang gagawin.
Napangisi ako nang biglang nagbago reaksiyon niya, mukang sumusuko na agad siya. Nawala kasi ang masama niyang tingin sa akin at napalitan ng pag mamakaawa.
"Charity...please do well ga-graduate ka na ng high school tapos college kana. Sayo ko ipapamana ang kumpanya wala ng iba."
"Hahaha nag makaawa din ako noon sa inyo na huwag kayong mag hiwalay pero pinakinggan niyo ba hindi diba? inisip niyo lang noon ang sarili niyo kaysa sa akin na anak niyo!"Natahimik siya sa sinabi ko at hindi na nakapagsalita pa.
Nanumbalik sa akin ang alala noong bata ako, noong grade 4 palang ako. Bata pa ako pero naranasan ko na yung ganong buhay. Sobrang daming luha ang binuhos ko non pero walang ginawa si Daddy habang umaalis si Mommy.
Nag aaway silang dalawa sa harapan ko at harap harapan ko ding narinig mula sa kanila na hindi na daw nila mahal ang isa't isa.
Nakita din ng dalawang mata ko ang sing sing na hinagis ni Mommy bago siya umalis sa bahay na to.
Halos araw araw ako nag mamakaawa sa kanila na huwag silang mag hiwalay, na huwag nilang iwan ang isa't isa pero hindi nila ko pinakinggan. Hindi nila ako inisip. Kinalimutan nilang may anak sila lalo na si Mommy.
Kinalimutan ako ni Mommy bilang anak niya.
Napatingin ako sa cellphone ko na tumunog at nakitang may message sakin si Wendy.
From: Wendy
Are you okay? i heard pinatawag ang Daddy mo? sinaktan ka ba?
To: Wendy
Don't worry wala siyang ginawa sakin.
From: Wendy
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
NonfiksiSi Charity Gwen Angeles ay isang mayamang dalaga na lumaking may problema sa pamilya. Sa sama ng loob sa mga magulang niya ay binubunton niya ito sa mga taong nakakasalamuha niya, gumagawa siya ng bagay na ikakasaya niya ngunit ikakasama naman ng ib...