Chapter 10 (Ellie Babe)

1.4K 30 3
                                    

Zander's POV:

Kakagising lang nya , sabay silang umuwi ni Adam kaninang madaling araw, it's only 11 in the morning, sanay syang maaga pa ding magising kahit pa nga 5am na sila nakakauwi palagi from VIP.

Naabutan nya si Adam sa may bandang dining area, nagkakape ito, ng makita sya ay agad itong nagsalita.

"Good morning bro!" bati ng kapatid nya sa kaniya.

"Morning little bro!" balik bati nya dito.

"How's your first day at the bar?" segunda nya kay Adam.

"It's fine, just fine, nagkaron lang ng konting problem dun sa table 5 kagabi" Adam told him.

"What problem? and why you didn't tell anything to me?" magkasunod na tanong ni Zander sa kapatid nya.

"Naku wala yun, nagawan ko na din naman ng paraan, saka ako paba?" Adam said.

"Ano nga yun? hindi mo ako pwedeng i bypass ng ganyan Adam, remember, you are still under my management" Pang ba block mail ni Zander sa kapatid.

"Okay, okay, ganito kasi yun, Ellie and I are serving orders sa table number 5, pagdating namin dun, ayun siguro natipuhan si Ellie, hinawakan ba naman ng mahigpit ang kamay ni Ellie at ayaw paalisin" Paliwanag ni Adam sa kapatid.

"Then, what did you do?" He asked him.

"Of course Pinagtanggol ko si Ellie sa mga manyakis na yun, but you know me, hindi ako pisikal na tao, I used my words to them, ayun mga takot naman pala, kaso parang nakahalata si Ellie na hindi ako mahirap" Adam told him.

"Bakit? pano mo naman nasabi yun ha?" he asked.

"Because......... nagsalita ako ng diretsong English with accent lang naman, and Ellie is a bright girl, alam kong medyo naghihinala sya about sa pagakatao ko" Adam said.

"Don't worry, mukhang hindi naman chismosa si Ellie, malamang sarilinin lang nya yung hinala nya, ang dapat mong gawin ngayon ay wag na wag kang magbibigay or gagawa ng mga bagay na ikakahinala ng mga ka trabaho mo, kung gusto mong matupad yung arte mong walang makaka alam na may ari ka ng VIP bar, mag iingat ka sa mga kilos mo" natatawang sabi ni Zander sa nakababatang kapatid.

"That's harsh! arte talaga?, I know, promise, I'll be more careful" Adam told him.

"That's right" Zander told him.

Zander is thinking, maybe his brother is serious with Ellie, malamang katagalan ay ligawan din nya ito.

So what? tanong ng isip nya, binata naman si Adam at dalaga si Ellie, magkalapit pa ang age gap nila, bagay sila actually.

Pero partly ay may bahagi ng isip nya ang tutol sa maaaring kahantungan ng interes ng kapatid nya kay Ellie, parang hindi nya tanggap, pero syempre pilit nyang sinisiksik sa isip nya si Celine to divert his attention, aaminin nya, after he and Ellie kissed, may kakaibang atraksyon syang naramdaman dito na pilit nyang winawaksi sa isip at sistema nya, bata pa si Ellie, at may Celine syang inaantay, it's better that way to avoid any possible complications.

Kinahapunan, dumiretso na sila sa bar, pasukan na din kasi ng mga employees, he let Adam drive his old car, para hindi sila mahalata, kung palagi kasi itong sasabay sa kaniya, malamang magtaka ang mga empleyado nilang iba about their true relationship.

Nakita nya at narinig na nagbatian si Ellie at Adam, mukhang naging close na ang mga ito lalo pa at niligtas ng kapatid nya si Ellie kahapon sa mga bumabastos dito.

"Hey, Ellie" Tawag ni Adam kay Ellie.

Dinig iyon ni Zander pero hindi sya nagpapahalata, kunwari ay may binabasa syang papeles sa isang banda malapit sa bar area.

VIP Series #2 (Zander Zanford) The Ruthless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon