“LAURA, yung bilin ko. ‘Wag mong kakalilimutan.”
“Oo na po, Commander. Masusunod po,” saad ko at sinabayan pa ng solute.
He glared at me. “Answer me seriously, Laura.”
“Serious naman ‘yon, ah?” He continued on glaring at me kaya sumuko na ako. “Okay, okay…oo na po, Sam. Masusunod po ang inyong bilin sa akin na iwasan ang presensya ni Qen ko—”
“Qen mo?”
“E, di Qen lang! Si Qen at ‘wag na rin titigan ang kanyang ka-gwapuhan—”
“Mas gwapo pa rin ako sa kanya.”
“Sam! Stop interrupting me!”
“You stop adding nonsense things about him first.”
“Nonsense ka diyan! Baka ikaw yun?”
“Just—just remember what I told you and don’t forget about it. Pumunta ka na sa Classes mo, ma-le-late ka pa niyan,” saad niya pang nakahawak sa sentido. Kala mo sumasakit talaga ulo, e.
“Aminin mo munang gwapo rin si Qen.”
He sighed. “Fine. Gwapo siya—”
“Ayan! Sige aalis na ako—”
“Pero mas pinaka-gwapo pa rin ako.”
“Sam naman!”
“Oh, bakit? Inamin ko na ngang gwapo siya pero syempre mas gwapo pa rin ako do’n.”
“Sam!”
“Go to your classes first. Pinag-aawayan pa natin ang bagay na alam naman natin kung sino ang mas gwapo.”
“Ayoko! Napakahangin mo kasi—”
He suddenly stood up then inayos ang notebook at inilagay sa bag ko ang mga kailangan ilagay. Hindi ko na rin nasundan ang lahat ng nangyari basta ang alam ko bigla niya akong tinayo saka isinukbit sa akin ang bag ko. Pagkatapos no’n ay tinulak niya ako papunta do’n sa door paalis ng likod ng School. Sa dami at bilis ng nangyari halos di ko nagawang makapag-salita. Saka lang natauhan nang mag-salita siya.
“Goodbye, Laura. Study well,” rinig kong saad niya. Bago pa ako makapag-salita ay sinara na niya ang pinto.
Ang Sam na yun! Augh!
Nag-pagpag na lang ako ng sarili bago tinahak ang landas papuntang Classroom. I took a glance at my watch when I remembered something. It wae 10 minutes begore the start of the classes tapos pinaalis na lang akong basta ng bwisit na Sam na ‘yun? Palibhasa, pinaglalaban na mas gwapo siya kay Qen! Tss.
Siguro Soya na lang sana ang pinangalanan ko sa kanya. Soya= SObrang YAbang. See? Mas bagay sa kanya ang ganun tutal palagi niyang pinaglalaban na mas gwapings pa raw siya kay Qen, e, ‘di ba mas gwapo pa rin ang original?
Hay, Sam. Bwisit ka talaga.
“Oh, dali! Pahinga muna. Good Job, guys! Keep up the good work.” Kaagad ako napalingon sa pinaggalingan ng boses na ‘yon. Natapat na pala ako rito sa may Court. Nag-pa-practice sila?
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romance"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...