CHAPTER 23

1.2K 57 3
                                    

HINDI ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko nang umalis kami ni Sam sa bahay. Basta namalayan ko na lang na nakatapak na ang paa ko sa napaka-pamilyar na lugar kung saan binalik ang mga alaala ko nung bata ako. Mga alalang alam kong hindi ko kailanman kinalimutan ngunit nabaon lang sa utak ko. Bawat paglibot ko ng tingin sa paligid ay tila parang movie na nag-play sa isip ko ang pinag-gagagawa ko rito nung bata ako. Mula sa puno, swing at sa damuhan... lahat ng iyon ay isa-isang nag-flash sa isip ko nang mabilisan. I half smiled. Magbago man ang panahon, pero ang itsura ng lugar na ito ay hindi magbabago. Kahit pa siguro umulan at bumagyo, mananatili ito sa dati nitong anyo. Walang magkukulang, walang magbabago...

"Laura, where on Earth are we?" biglang saad ni Sam sa tabi ko.

"We're on my Mom's place. The place where she gave birth at me."

"And how do you know about this place?"

"Obviously because she thought me where. At saka, dito rin halos nabuo ang childhood memories ko kaya siguro eto lang ang naalala kong puntahan para may matuluyan tayo kahit papano."

Sinundan niya ako papasok ng bahay. Sumalubong sa amin ang kadiliman pagkapasok na pagkapasok namin. So, then, I searched for the switch and surprised to know it still can turn on. Inilibot ko ang tingin. Maraming mga sapot ng gagamba ang nasa kisame at sari-saring mga alikabok naman ang nasa sahig. Pinili kong balewalain muna sa ngayon yun para puntahan ang kwarto ko noon. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Sam kaya hindi na ako nag-abala pa na tawagin siyang sumunod sa akin. Sa isang iglap lang, nasa isang pinto na kami. Pagkapasok na pagkapasok ay bumalik ang mga alaala kong nasa kwartong ito. On how Mama made me sleep. On how I play with my toy here... everything.

Napapikit ako habang inalala ang lahat ng iyon. Parang kailan lang ang nangyari nang maging bata ako hanggang sa mamatay si Mama. At ang lahat-lahat.

Nang makahiga sa kama ay tila saka ko naramdaman ang pagod. Pagod sa nag-bully sa akin kanina, si Apple, si Sam, si Qen, ang naging away namin ni Papa, sa paghahagis niya sa akin palabas, at ang paglalakbay namin ni Sam. Parang isang bagsakan, naramdaman ko ang lahat ng pagod sa mga iyon. Yung tipong mapapasabi na lang ako ng, "pa'no ko nagawang lagpasan ang araw na 'to?" But I'm too tired to think much that I didn't notice I'm drifting into sleep. But before I could sleep deeply, a voice echoed.

"Sleep well, Laura. Have a good rest. You did so much today. Bukas ko na lang ibibigay ang regalo ko sayo. Goodnight." Before kissing me on my forehead.



PAGKAGISING ay parang natauhan ako. Parang ngayon lang nag-sinked in sa akin ang lahat. Yung tipong mapapatanong na lang ako sa sa isip ko ng, "ano nang sunod na gagawin ko?" at mga "Hanggang kailan ako mananatiling ganito?"

Tuliro ang aking isip nang mga oras na iyon nang mapansin kong wala si Sam sa kwarto. Naalimpungatan pa ako kagabi na narito siya sa tabi ko kaya paano nangyaring wala siya? Posible bang maaga yun nagising? Ang alam ko kasi ang hilig nun magising nang matagal at ako palagi ang nauuna, e.

Tinungo ko ang Kusina dahil sa pagbabakasakaling mahahanap ko siya ro'n bu to my dismay, sinalubong lang ako ng mabangong amoy na aroma sa paligid. He cooked?

I roamed my eyes at the table where breakfast food lies. Simpleng itlog, hotdog at fries rice lang ang naroon pero nakakapagtakang nakapagluto siya ng ganito rito. Wala naman kasing stock ng ganun kasi abandonado na ang bahay na ito. Paano kaya nangyari? Ginamitan niya ng magic niya?

My stomach growled. Mamaya ko na lang iisipin kung pano nangyari iyon.

When I sat on the chair, saka ko lang nakita ang note na nasa mesa. It was Sam's handwriting.

Eat immidiately after seeing this note. I know you didn't got any chance to eat yesterday so I'm expecting you to eat all of that. Kapag hindi mo inubos, hindi ko bibigay yung regalo ko sa'yo.

The Man Of My ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon