“ARE YOU FOR REAL?!” Sam’s voice echoed the whole room. Makulog pa dito kaya mas nagpa-echo ‘yon sa paligid.
Napatakip ako ng magkabilang tainga. “Hinaan mo nga ‘yang boses mo! And yes, you’re right. We’re really trapped in here, Mr. Sam.”
“Pero hindi pwedeng makulong tayo dito! Paano na ang challenge mo para sa sarili mo? Paano mo malalaman kung naka-move on ka na talaga?”
“Aba malay ko! Bakit parang kung makapag-salita ka parang ako yung may kasalanan?!”
“Hindi kita sinisisi! Sino naman may sabing sinisisi kita?”
“Parang gano’n na rin kasi ‘yon, ‘no!”
“Sinasabi ko lang naman na hindi naman pwedeng hindi matuloy yung test. Paano mo malalaman kung nakapasa ka talaga—” Bigla siyang napatigil. Tapos ay napakurap-kurap. Ilang segundo ang lumipas ay ngumiti siya. Yung ngiting parang ang saya-saya niya talaga?
“Bakit ka nakangiti?” tanong kong nakakunot ang noo sa kanya.
Umiling siya. “Wala.”
“Nagtatanong nang matino yung tao tas ang isasagot mo lang, “wala”?!”
“Basta, ‘wag mo na lang pansinin. And about the door, maybe we should wait for someone to open it. Siguro naman merong tutungo dito para mag-practice or ano at bubuksan ‘yan,” sabi niya saka umupo dun sa upuang pwede rin maging higaan. Napanganga naman ako sa ka-chill-an niya sa buhay kahit na na-lock-an kami dito.
“Ano? Na-lock-an tayo dito tapos ganyan ka lang ka chill?!”
“I told you; hihintayin na lang natin na may mag-bukas niyan,” saad niya pang nakapikit. May balak pa siyang matulog niyan?!
“Anong magagawa ng pag-hihintay, Sam? At saka, nakalimutan mo na ba agad? Test ko ngayon kaya hindi naman pwedeng dito lang tayo all day! Kaya anong magagawa ng ka-chill-an mo at paghihintay?! Hindi rin tayo pwedeng magtagal dito dahil tiyak rin kasi na nag-mo-model na yung supposed-to-be-Contestants kaya dapat kumilos manlang tayong makaalis dito!” paglalaban ko. Maliban kasi sa gusto ko yung prize, e, gusto ko ring malaman kung nakaapekto ba yung paglabag ko sa rule number 4 while the rest naman ay nagawa ko. Kaya dapat talaga makaalis kami dito agad kasi baka nag-pe-perform na pala dun sina Qen!
Pero ang bwisit, imbis na pakinggan ang mala speech kong sinabi ay hinush lang ako. “I’m trying to sleep here. So, can you please tone down your voice for a little bit? Thank you in advance.”
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nag-thank you pa talaga siya, ha!
“Ang dami mong pwedeng gawin pero ang matulog nang ganitong oras ang naisip mo?!”
“Oo.” Aba nga naman. Sinagot ng bwiset!
“Sam! Hindi nga pwedeng wala tayong gawin!”
“May ginagawa na nga ako.”
“Oh, talaga? Ano?”
“Matulog.”
Dahil sa inis ay napakamot ako ng ulo then groaned in frustration. Nakakabiwist na siya, e!
“Alam mo, imbis na mag-ngangangawa ka diyan, why don’t you try to sleep with me here? May konti pa namang space, kasya ka pa.”
“Ayoko nga! Mas gugustuhin ko pang humingi ng tulong kaysa makatabi kang matulog nang wala manlang ginagawa.”
“Sayang naman; may kayakap ka sana.”
“Oh, please! Hindi mo ako mauuto sa ganyan. At saka, kaya ko po kayang mabuhay nang walang niyayakap! Heller!”
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romance"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...