SIMULA nang araw na iyon ay marami na ring nagbago sa pagsasama namin ni Sam. And surprisingly, my feelings for Qen suddenly... faded. Yung tipong parang sa isang iglap, natanggap ko na ang lahat-lahat. Na yung kiss, aksidente lang at ang pagtugon niya roon ay wala lang din. Ganun kabilis. Weird ba? Kasi nahihirapan pa nga ako noon, tapos sa isang iglap, parang okay na ako. Masaya ang happily being with Sam. Nevertheless, I don't mind it at all. Masaya pa nga ako dahil sa ilang araw din na lumipas, wala nang sakit. Ang gaan sa pakiramdam. Parang nililipad sa alapaap... and looks like Sam really meant what he promised me that day.
I flipped the page of my Calendar. It's December 1 at ngayon ko lang na-realize na malapit na ang pasukan and most importantly... my Birthday- which will be held two weeks from now. Di manlang ako makaramdam ng excitement dahil may pasok nun. Para kasing gusto ko na lang tumambay sa bahay, e. Pahinga, ganern. At saka, hindi ako ganoong na-e-excite kasi nga di ko alam kung pupunta ba rito sina Papa at Kuya dahil nga sa may trabaho sila at baka hindi rin makapunta. Saan pa ang excitement? Hays.
I took my cellphone out of my pocket . Yes, may cellphone na ako. Ate gave me this one kasi nasira ko ang de-pindot kong cellphone. Nakaharang kasi sa daan at ayun, nung natapakan, ayaw nang gumana. Sumaya naman ako dahil kahit hindi ganun ka-sosyal yung cellphone, makakapag-Wattpad na ako rito palagi nang walang istorbo. At syempre, makakagawa na rin ng FB account at nang tigilan na ako ni Arlyn kaka-bulyaw. Actually, nakagawa na pala ako at in-add ko na siya. We kept on exchanging messages at puro siya send sa akin ng Meme.
Sa ngayon, ka-chat ko na naman siya. We're talking about the guy na nanliligaw sa kanya at panay send naman siya naman ng sweet messages nila. Napapangiwi na lang ako at panay send ng emoji na: 😑
Ilang minuto ang lumipas nang mag-send siya ng link kuno. Basta ang nakalagay: https://lovemeter.me/match/2pJhI
Napangunot ang aking noo. Ano naman kaya 'tong sinend niya?
Dahil na rin sa curiosity ay pinindot ko yun tutal binigyan ako ng load ni Ate. Habang naghihintay ay tumingala ako. Then, I saw Sam reading a book. Nasa likod ko lang kasi siya at dahil na rin sa nakasandal ako sa dibdib niya ay tingala lang ay makikita ko na agad siya. Napanguso naman ako. Hindi ba siya nauumay lalo na yung binabasa niya about Science thingy?
Ibinalik ko ang tingin sa phone at bumungad sa akin ang babaeng may hawak na heart at my title pa ng Love Meter.
Lumalim ang gatla sa aking noo. What's with the "Enter your Name" and- what?! Crush Name? E, hindi ko na rin naman crush si Qen kaya sino ilalagay ko rito?Nang maalala ang pwede na pala si Sam ay nilagay ko ang pangalan naming dalawa. I waited for a minute to calculate what would be and I almost prayed to wring Arlyn's neck right here, right now as the result appeared.
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romance"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...