CHAPTER 6

2.1K 59 2
                                    

NAKASIMANGOT akong pumasok ng room. Take note: nagdabog pa ako kaya medyo napansin ako ng iba kong mga kaklase. Kaagad din namang napansin iyon ni Arlyn kaya naman ay inusisa niya ako.

“Oh, anong itsura ‘yan? Para kang inagawan ng laruan, ah?”

I scratched my head frustratedly. “E, kasi! Si Sam! Nakakabwisit! Augh! Ang ang sarap niyang suntukin!”

Arlyn knotted her forehead. “Sam? Babae...?”

Doon ako natigilan. Hindi niya nga pala alam ang about kay Sam. I never told her about the magical thing happened after the shooting star granted my oh-so-very-impossible-wish. “A-Ah…” teka, sasabihin ko ba sa kanya? Kasi… wala namang mawawala, ‘di ba? Hindi niya rin i-kukwento tutal loyal friend ko ‘yan. “Well, si Sam is… yung lalaking kinukwento ko sayo noon na ginawa ko sa imagination ko.”

Tumaas ang kilay niya. “Yung Sam? Yung sinasabi mo sa akin na nakakausap mo rin sa utak mo?” Tumango ako. “Well… what about him?”

“Ang totoo niyan, Arlyn—‘di ba sabi ko, ginawa ko lang siya sa imagination ko? Hindi na siya imagination ko na lamang. Tao na siya. As in human sa English. Well… ang totoo kasi niyan naging tao siya after kong mag-wish sa shooting star.”

“Ano?! Lumabas sa imagination mo?! Paano nangyari ‘yon, aber?”

Pinakita ko ang bracelet sa kanya. “Remember this? Siya. Siya ang may bigay nito sa akin kaya last time asar na asar ako sa kanya. Naulit lang ngayon kaya naasar na naman ako.”

Arlyn’s mouth gaped open. “Laura, yung totoo...naka-drugs ka ba? Marijuana? O—”

“Arlyn naman! Ano ako, adik?!”

“E, paano kasi maniniwala sa sinasabi mo! Maliban na lang kung naka-drugs ka...”

“Arlyn naman! Sam is real! He can’t be a hallucination. I wasn’t hallucinating! Kung pwede ko lang siya ipakita ko sayo ngayon, masasabi mong hindi ako nababaliw. Mapapaniwala kitang lumabas nga siya sa imagination ko.”

Umiling-iling siya. “Ewan ko, te...”

I scowled. “Hindi na rin kita masisisi. Maski ako rin naman ay hindi naniwala nang makita siya sa kwarto ko noon.” Binalik ko ang tingin sa kanya. “Bukas. Promise, ipapakita ko siya sayo nang maniwala ka sa akin.”

“Basta siguraduhin mong tao talaga yan, ha! Kung hindi, nako ha, Laura. Kahit kaibigan kita ipapadala pa rin kita sa Mental at kung ano-anong hallucinations ang nakikita mo.”

“Ang sama mo sa akin! Ano ‘yon, iiwan mo akong mag-isa kasama ang mga baliw doon?”

“‘Wag mag-alala, Bes. Sasamahan kita roon tutal matagal na rin akong baliw. Baliw na baliw kay Arwin! Yihee!”

Baliw nga.

Napailing na lang ako. Kinalabit akong muli ni Arlyn kaya napatingin ako sa kanya. “Bes, tanong lang… meron ba?”

“Ha? Anong meron?”

“Yung tinutukoy mo bang Sam… merong ano… abs…?”

Natawa ako. “You’ll see.”

“Luh, daya!”

Hindi ko na gaanong nakausap pa si Arlyn dahil dumating na ang Guro namin sa Filipino. Inayos ko ang sarili. “Good Afternoon, Grade 10-Aqua.”

“Good Afternoon, Ma’am Ariza.”

At nagsimula nang mag lesson si Ma’am. Ang totoo niyan, habang nag-di-discuss siya ay iniisip ko kung paano ba gaganti kay Sam. Ano bang maganda? Yung… tipong mag-iiba ang ekspresyon ng mukha niya! Laos na kasi ang selos. Tingin ko di na effective. Kailangan yung unique pero maganda yung kalalabasan!

The Man Of My ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon