ANG mga nagdaang araw ay naging mapayapa sa akin. I finally distanced my self from Qen. Higit pa roon ay nagiging mas malapit pa kami ni Sam. Mas tumindi pa nga yata ang asaran namin sa isa’t isa. Isipin mo ba naman iyon, lagi kayong malapit sa isa’t isa at normal lang sa amin na mag-asaran nang ganun kaya hindi na nakakapagtaka kung mas lumala pa sa gano’n ang asaran namin. Pero kahit na malala na ang asaran, alam komg paunti-unti nakakalimot na ako sa sakit. Paunti-unti, sumasaya na ako. At paunti-unti nakalimutan ko na si Qen.
Thanks to Sam and his attitude problem.
Speaking of his attitude problem, one time noong inaasar ko siya ay mas napikon pa siya. Inaasar ko kasing mas gwapo yung pinapanood ko sa TV kaysa sa kanya. Napapangiti na lang tuloy ako tuwing naaalala iyon.
“Anong ikaw? Mas gwapo pa rin siya kaysa sa’yo, ‘no! Koreano ‘yon, e. Anong panama mo ro’n?”
“Anong panama ko ro’n sa bwisit na korean-ong singkit na sobrang puti sa TV? Simple. You named me Sam because YOU told me that I’m more than handsome than anybody else on your imagination kaya kinuha mo ang pangalan ko sa salitang, "handsome."”
“E, syempre noon yun nung hindi ko pa nakikilala ugali mo, ‘no. Pumangit ka lang kasi siya mabait tas ikaw masungit.”
“Hindi ka ba aware na mas nakakagwapo raw ang pagsusungit kaysa pagiging mabait?”
“At sino namang may sabi no’n?!”
“Ako. Bakit, kanino mo ba narinig? Sa akin lang naman, ‘di ba?”
“Tignan mo, nagsusungit ka na naman! Kaya mas lalo kang pumapangit niyan, e!”
“Ibig sabihin lang nun, nagpapagwapo ako.”
“Gwapo daw, pangit pa rin kasi masungit!”
“Gwapo nga.”
“Pangit!”
“Gwapo.”
“Sabing pangit!”
Napapakamot siya ng ulo. Napipikon na yata. “Gwapo nga.”
“Ikaw ‘tong makulit, e. Mas gwapo pa rin yung koryano sa TV kaysa sayo! At saka kung papipiliin, siya na lang gusto kong jowain kaysa sayo na masungit—” bumulwak ako sa kakatawa nang kilitin niya ako. Nasa ibabaw ko siya ngayon, habang ako ay nasa kama at nakahiga’t tunatawang parang ewan sa pagkiliti niya sa akin. Ilang beses akong nagmakaawa habang tumatawa pero ayaw niya pa rin ako tigilan. “Ano ba, Sam! T-Tama na—”
“Sabihin mo muna sa akin na mas gwapo ako kaysa dun.”
“A-Ayaw!”
“Ah, ganun?” Mas tinindihan niya pa ang pagkiliti sa akin kaya napatawa pa ako nang malakas at pinipigil na ang kanyang kamay.
“H-Hindi na ako makahinga, Sam! Tigil na!”
“Sino nga ulit mas gwapo? Ako, ‘di ba?”
“Yung koryano!” Mas lumala pa ang kanyang pagkiliti. “Ano ba!”
“Sino nga ulit?”
“O-Oo na, ikaw na!”
“Hmm? Hindi ko marinig. Sino nga ulit?” Aba bwisit!
“Ikaw nga! Kaya tumigil ka na!”
“Sino gusto mong jowain?”
“Ikaw!”
“Sinong gusto mong makasama?”
“Ikaw na nga!”
“Sinong gusto mo halikan?”
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romantik"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...