Para akong natuod sa kinatatayuan. Tulala. Hindi makagalaw. Tanging paghinga lang ang nagawa. Naabutan ko pa ang pagdiin ng kaniyang sarili on the man's crotch bago nila naibaling ang tingin sa akin. Bakas ang gulat sa kanilang mukha. Halatang hindi inaasahan ang aking biglaang pagsulpot.
"Q-Qen," Apple said with wide eyes. "I-I can explain-"
Tinaas ko ang kamay. Refraining her from saying useless things. "Ano pa bang kailangan mong i-explain, Apple?" Mapait akong ngumisi. "I already saw everything. Kitang-kita na ng dalawa kong mata na you cheated on me..."
Marahas siyang umiling. "No, Qen. Wala lang 'to. I did not cheated on you-"
"Cheat?" Sabat nung ka-make-out niya kanina. "Teka, akala ko ba break na kayo nitong ni Qen? Kaya ka nga nakipagkita ka sa akin palagi, e-"
"Shut up, Christian!"
Oh, so hindi lang ito ang unang beses, huh?
"Tell me, Apple," maski ako ay nagulat sa lamig ng aking boses. "How long you've been doing this thing to me behind my back?" Tanong kong baaag ang boses.
"Q-Qen, wala-"
"Tell me!" Apple just flinched but didn't say anything. "Tapatin mo ako, Apple. Kahit manlang dito, magpakatotoo ka."
Ngunit napayuko siya na ikinainis ko. "Hindi ka sasagot? Fine. I-re-report ko na lang sa Principal 'tong naganap ngayon."Nanlaki ang mata niya at todo iling siya. "No... n-no! You can't do this to me, Qen!"
"Of course I can. I'm the Supreme Student Government President, remember?"
"'Wag ganito, Qen. Pag-usapan natin 'to. Please..."
"No."
"Magpapaliwanag ako. Yung nakita mo kanina, wala lang yun. Walang meaning-"
"Walang meaning?" Tumawa ako nang mapakla. "Harap-harapan na ngang sinasampal sa akin tapos sasabihin mo walang meaning?!"
"P-Pero kasi..."
"Stop this, Apple. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ginawa mo. You cheated. At kahit saang anggulo pang tignan, niloko mo ako."
"Oo na sige, nag-cheat na ako! Pero pwede bang bawiin mo na lang yung sinabi mong i-re-report mo 'to kay Mama? Plese, Qen. Patay ako sa kanya nito..."
"No. And I'm not taking back." Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Ituloy niyo na ang naudlot niyong make out at gusto niyo pa yatang makarating sa langit. And promise, hindi na ako eeksena this time," sabi ko saka tumalikod at umalis na roon. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Apple sa aking pangalan pero hindi ko siya pinakinggan.
Habang naglalakad, sari-saring emosyon ang aking nararamdaman. I can't believe my girlfriend would cheat on me with a guy named Christian na parang pinulot lang sa tambay. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya naisipan maghanap ng iba- tumikim ng iba. Kung iisipin pa nga, mas lamang ako roon sa lalaki.
Bakit, Apple? Bakit? Hindi ba ako naging sapat? Nagkulang ba ako? May mali ba sa akin? Ano? Minahal naman kita nang sobra hanggang sa abot ng makakaya ko pero bakit napunta sa ganito? Bakit mo ako niloko?
Hindi ko na pala namalayang may tumulong luha sa aking mata. Hindi ko pa mamamalayan kung hindi ko pa naramdaman. Pinunas ko iyon pero mukhang mas nakapag-pa-trigger pa yata iyon dahil naging sunod-sunod ang pagtulo nito sa aking mukha. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Wala namang tao. Pwede maglabas ng sama ng loob. At kung may makakita man, bahala sila. Wala namang masama sa ginagawa ko, e.
Saka, sino bang nag-imbento ng, "kapag lalaki, bawal umiyak?" Akin na at pagsasabihan ko. Wala namang sense yung pinagkakalat niya, e. I mean, 'di ba normal lang naman sa tao ang makaramdam ng sakit? So, bakit may inequality na nagaganap dito?
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romance"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...