"UY, SAM! Dito, oh!" pagtawag pansin ko sa kanya. Ngunit imbis na sumunod ay nanatili ito sa pwesto. Ang mukha ay parang pinagsakluban ng langit. "Sam naman!"
"Pagod na ako. Uwi na tayo."
"Agad?!"
Kinunutan niya ako ng noo. "Anong agad ka diyan? Laura, may I remind you that we've been walking for 2 hours now. You hear that? 2-deadly-hours!"
"Galit ka na niyan?" Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa naman ako. "Oo na! Magpapahinga na tayo." Nakita ko ang paghinga niya nang maluwag. "Pagkatapos natin sumakay sa rollercoaster."
Nanlaki ang mata niya. "Hindi ka ba napapagod, Laura? Ako kasi pagod na pagod na."
Ma-drama ko namang hinawakan ang dibdib. "Pagod na rin naman na ko, Sam. Ako na lang palagi ang umiintindi, ang hirap na! Nakakapagod nang makasama ka! Mabuti pang mag-break na tayo-aray! Pa-epal ka naman Sam, e! Kitang nag-a-acting."
"Kung pinagpahinga mo ako, e, di sana natuwa pa ako sa iyo, 'no?"
I pouted. "Magpapahinga na nga tayo. Pagkatapos nating sumakay sa rollercoaster. Pramis, sunod no'n magpapahinga na tayo at uuwi."
He grunted. "What's the point of it, though? What's the point of riding a rollercoaster for the sake of your happiness?"
Okay, hashtag nosebleed tayo roon, ah! Lugi! "Hello, halos wala tayong nasakyan kasi punuan! Kaya nga palakad-lakad lang tayo dito, e!" Totoo 'yon, kaya umabot kami nang ilang oras ay dahil sa rami ng tao rito ngayon. Nakakapagtaka nga pero wala na kaming nagawa. Oo, ang una naming plano ay maglibot tulad na lang ng Mall pero dahil na-excite ako nang makarating dito, finish na. Sasakit ang ulo ni Sam sa kakulitan ko. Kaya nga sana kahit papano makasakay manlang sa rollercoaster. Atlis ang pinaka una kong ride ay super omega extreme. "Please, Sam?" Nagpa-cute pa ako nang super duper sa kanyang harap. Siya naman ay naka poker face lang habang nakatingin sa akin. Hindi naglaon ay umirap siya at umiwas ng tingin.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Nagtatalon muna ako sa saya bago hinatak siya patungo sa rollercoaster ride. Syempre, nagpatianod lang siya sa akin. Ano nga bang magagawa niya sa akin? How can he resist my charm?
Hah! Hindi kasi ako matiis kasi mahal ako!
Pagkarating do'n ay pumila kami. Hindi tulad sa iba, etong sa ride na 'to ay kokonti ang pumupunta. Siguro ay dahil sobra sa extreme 'to. Nakikita rin siguro nila yung mga taong nagsusuka na lang bigla. Kadiri! Pero exciting!
Saka lang ako natauhan nang may marinig akong tili. "Omg, Kuya! Ang gwapo mo naman! Pwede pa picture?" Nang nilingon ko kung saan iyon ay nagulantang ako dahil si Sam ang tinutukoy nilang gwapo. Myghad naman! Hindi na ba nakatiis ang mga babaeng 'yan? Parang ngayon lang nakakita ng gwapo, a!
"Oo nga, Kuya! Pa picture! Gwapo mo, e!"
"Kuya, Kuya! May GF ka na? Kung wala, pwede pa apply?" Ang tatalantod naman ng mga babaeng ito. Parang mukhang uod na inasinan. Nakakarindi!
Pero syempre, Sam being Sam, kukunutan niya ito ng noo at tataasan ng kilay. Hindi siya sumagot at hindi na lamang sila pinansin. Akala ko sisimangot ang nga babae pero sa gulat ko ay tumili pa sila nang nakakarindi!
"OMG, ang suplado! Girls, kita niyo iyon? Mas gumwapo nung nagsungit, 'no?"
"Oo nga, oo nga! Mas dumagdag sa kagwapuhan niya!" Seriously? Gwapo pa sa kanila ang pagiging suplado ni Sam? Aba, mga abnormal! Nagsusungit na nga, kingwapuhan pa ng mga lukaret.
May isa namang todo tili. "Uwi na lang kita, Ku-"
"Kapag hindi pa talaga ako nakapag-timpi, puputulin ko na talaga 'yang mga dila niyo." Ayon! Hah! Lagot kayo.
BINABASA MO ANG
The Man Of My Imagination
Romance"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'." Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got...