If luck was true with us, it was not present to this guy named, Cameron Oswold III.
Kahit ang tatay ni Banyera o mga kakilala nila ay hindi alam kung saan ang Casa Blanca. Pero ang tungkol sa problema ng Yatch niya, si Tatay Rufino ang tinawag. Hindi ko alam, pero may ideya pala si Tatay sa mga ganoon. Iyon nga lang ay limitado pa rin ang ideya niya. Pero si Third na rin ang nag-suggest na baka puwede na rin nilang masilip.
Halos lahat kami ay nakikiusyoso sa nangyari.
Kami ni Banyera, noong una ay walang planong magtungo sa Yatch. Pero nang bumalik si Third at inalok kami ni Banyera ay sumama na rin.
Kanina pa laglag ang panga naming magkaibigan habang nililibot ang Yatch. Mukha lang katamtaman ang laki nito sa malayo, ngunit ng nalapitan ay tunay na malaki pala iyon. Sa lower deck ay naroon silang mga kalalakihan at sinisilip ang makina. Pinagtulungan ni Tatay Rufino at Tatay ni Banyera ang pagpasok sa engine hindi umano nitong Yatch.
Kami ni Banyera at nilibot ang bawat sulok. Nagtagal kami kanina sa kusina, lounge o living room at upper deck. May pinto na hindi mabuksan. Tingin ko ay ang kuwarto. Hindi na kami nanghimasok, syempre out of border na iyon at pakielamero na kami kapag nag-insist kaming pasukin iyon.
"Ang ganda rito! Sarap siguro manirahan sa ganito, kaya siguro siya napapadpad sa Malinao Island dahil adventurous siya?" usisa ni Banyera.
Nasa upper deck kami. Mula roon ay pinapanood namin sila Tatay sa kanilang ginagawa. Kausap ni Third si Kuya Baldo. Namangha ako, English kaya ang medium nila? Sa tingin ko ay hindi, nakakasagot kasi agad si Kuya Baldo. Gaya kasi namin, lahat ng mga tao sa island ito ay hindi talaga nakapag-aral at simple lang ang pamumuhay.
Nililipad ang suot kong berde na bestida maging ang brunette na mermaid long hair. Sinikop ko iyon sa isang side bago ulit lumingon kila kuya baldo. Umawang ang labi ko nang magtanggal ng pang-itaas si Third, agad na nilapitan si Tatay Rufino para kuhanin ang mabigat na bakal. Ang muscle sa braso at balikat niya ay nagalit at tumigas sa ginawa. Mukhang sobrang bigat. Tumulong si Kuya Baldo para mailagay nila sa gilid ng buong ingat.
Nang matapos ay nag-angat ang atensyon ni Third sa amin ni Banyera.
Ganoon nalang ang iwas ko. Napahabol ng hininga nang hindi ko namamalayan hindi pala ako humihinga kanina pa sa sobrang mangha. Sa gilid ay parang binudburang asin si Banyera.
"Nakita mo ba 'yon? Tiningnan ako ni pogi!"
Ngumisi ako. "Feeling mo. Sa akin siya nakatingin."
"May Dandeng ka na. Sa akin na si Cameron."
Tumawa ako at iniwan siya roon. Bumaba ako para tingnan ang refrigerator na nakita namin kanina sa kusina. Naisip kong mangialam doon para igawa ng makakain sila Tatay. Isa pa, malinaw kong naiintindihan ang sinabi ni Third kanina. "Feel free, Banyera and... Katya. I have food on my kitchen. Go grab some snacks?"
BINABASA MO ANG
Burning touch
ChickLitNamulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahimik at simple ang buhay niya roon, malayo sa makisig, mayaman at guwapong lalaki na nanggaling sa Maynila, Cameron Oswold III. Lumapit sa kan...