Chapter 18

166 9 16
                                    

Unang araw sa school, nag-half day na agad ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang araw sa school, nag-half day na agad ako. Hindi kami lumabas sa vicinity ng Casa Blanca University. Kinita niya ako sa music room, katabi lang ng building ng Chemical Engineering.

"Hindi ba tayo maririnig sa mga on-going classes?"

Suot ang naiibang uniporme, pinagmasdan ko siyang padaanan ng daliri ang grand piano na nasa sentro bago nag-angat ng tingin sa akin. "Mas malaki at kompleto ang instruments dito sa CBU kaysa sa amin. Modern kasi ang Beaufort University. Hindi nila pinapahalagahan ang music. Samantalang ang CBU, old school."

Tumango ako.

"Buti nakapasok ka rito?"

Umangat ang sulok ng labi niya. "Sound proof ang music room. Kahit sumigaw ka rito, hindi ka maririnig."

Lumingon ako sa pinto, nananatili sa isip ang tanong na hindi nasagot. Pinalo ng ilang beses ang drum set, agad na kinalimutan iyon. Huminto para makatayo. Sinadya kong lakasan ang palo kanina tipong mabubulabog ang mga kapitbahay. At habang palapit doon ay nakatingin ako sa kanyang pumipindot na piano. Sinenyasan ko siyang huminto ng makalapit sa pinto. Binuksan ko iyon para sumilip sa pinakamalapit na klase na puwedeng makarinig ng ingay kanina.

Walang nasa labas na professor o estudyante. Mukhang tama nga siya.

Muli ko ulit sinara at tumingin sa kanya. Nahuli ko siyang hawak na ang gitara, seryoso habang nakatungtong sa upuan ang isang paa. Walang pakialam kung masilipan siya sa ilalim ng kanyang skirt.

"Kaya mo bang tumugtog sa harap ng mga tao?"

Nag-stram siya. "Oo naman. Kahit wala pang mask."

Ngumisi ako. I loved her guts. "Paano kapag gusto kong mayroon?"

Lumingon siya sa akin. "Akala ko ba, wala na si Aeri? Ibabalik mo siya?"

Natigilan ako. May punto siya. Pero, ayaw kong makita ni Daryl na ginagawa ko iyon. O kahit ng mga dating nakasama na iniwan ko. Kapag nalaman niyang nagbalik si Aeri, tiyak na magagalit ang mga iyon. "Magagalit si Junno."

"Junno?"

Mula sa pagkakatulala ay napalingon ako sa kanya. "Kilala mo si Junno?"

"Oo. Nakasama ko na siya sa isang club. Galante at babaero. Ex daw niya si Aeri. Sinugod ko 'yon. Hindi ako naniniwala. Hindi ka papatol sa babaerong gaya niya. Akala mo ang pogi. Yuck!"

Tumawa ako. "Ex ko nga siya."

"Ew! Totoo ba?"

Ngumisi ako. "He was once the kindest person I know."

"Mukha ngang hindi pa siya nakaka-move on."

"Marami siyang naging ex, kanino siya hindi maka-move on?"

She strummed the guitar. "I don't know," she sang.

Tumawa ako at lumapit na sa drum set. "Kumakanta ka?"

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon