Chapter 7

248 13 0
                                    


Kumain at tulala nalang ako sa kawalan, hindi ko pa rin kinakausap si Third

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumain at tulala nalang ako sa kawalan, hindi ko pa rin kinakausap si Third. Banyera, Janice, Mang Dolfo were here. Hindi ako magtataka sa paraan ng paninitig nilang lahat. Sino bang magtataka na maayos nila akong kausap, kahuntahan at katawanan nang biglang mahimatay sapo ang ulong sumasakit.

Higit pa sa lahat.

May lumapag na chopper hindi kalayuan sa nayon. Lulan noon ang nakatatandang kapatid ni Third. Iyon ang kausap niya sa labas kanina pa. Nakikita ko sila sa pinto na may maliit na salamin. Mula roon ay tanaw kong kausap niya pa rin ang kapatid ngunit nasa akin ang atensyon. Ang braso ay naka-cross. Seryoso at hindi manlang nagbibigay reaction bawat salita ng kausap.

"Ang super guwapo ng kapatid niya. Katya, natupad na ang sinasabi mo. Siya na ang nagpunta rito para sa akin!"

Mula sa bukas na bintana, binalingan ko si Janice. Narito pa rin kami sa Hospital. Sabi nila, buong maghapon akong walang malay. Natakot silang lahat sa nangyari sa akin. Pinakinggan ko ang lahat ng hinaing nila tungkol sa nangyari. Ngayon lang iyon humupa hanggang sa ibahin ni Janice ang topic.

Hindi ko masabi ang pangalan ng kapatid ni Third. Hindi ko pa rin kasi matandaan ito. "May sasabihin ako."

Nagpakitang interes si Janice at Banyera. Si Tatay Rufino at Mang Dolfo na nag-uusap mula sa couch ay napabaling sa akin. Ganoon din si Nanay Gal na nagbabalat ng saging. Umupo siya sa tabi ko upang ibigay iyon. Pagkakuha ko noon, napansin ko ang pagbukas ng pinto siyang pasok ni Third kasama ang kapatid.

Bahagya akong kinabahan, ngunit buo na ang pasya kong pag-usapan ito. Isa pa, ang gusto kong gawin ngayon ay makausap ang kapatid ko at si Bethanie.

Tumikhim ako. "Natatandaan ko na kung sino ako."

Suminghap si Banyera. Napatingin sa magulang ko bago nagtagal sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"

Nauunawaan kong naguguluhan siya. Gaya ng tatay at pinsan niya. Ang tanging nakakaalam lang ng nangyaring siwalatan ay si Third at ang kumupkop sa akin.

"Hindi ako si Katya."

"Paano nangyari iyon? Sino ka pala?" Si Janice na napatayo na.

Isa-isa ko silang tiningnan. Si Banyera ay puno ng pag-aalala ang mga mata. Gaya ni Mang Dolfo at Janice. Meanwhile, Tatay Rufino and Nanay Gal looked sad for something. As if they were slowly accepting that I will leave them soon. Then I didn't look at Third, instead, I gave a frown glare at his brother.

May sinasabi ito sa kapatid. Nang mahuling nakatingin ako, nagtaas ito ng kamay nagpapakita ng pagkasuko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita, "Dahlia Aeria Escubar."

"Hala! Paano nangyari iyon? Hindi ikaw ang kilala naming Katya?"

"Sino ka kung ganoon?" segunda ni Banyera.

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon