"Do you want me to teach you how to cook?"
A familiar sensation run down my spine at the sudden touch he made. My back went stiff. Ilang taon ba buhat noong huling pagkikita namin? Hindi maganda ang huli kong mga binitiwang salita sa kanya, tapos ngayon parang wala lang. Ginagawa niya ba ito para gantihan ako? Pero hindi siya mag-offer ng ganoon kung maghihiganti siya.
Umikot siya para maharap ako. Nasa bag ang tingin, hindi manlang dumako sa akin.
"Daryl was assigned in the labor works. Kailangan niyang kumain ng masustansiyang pagkain para may lakas siya. Ano ang mga niluluto mong pagkain para sa kanya?"
My heart felt coated by warmth and soft thing at the sound of his calm voice. I can't deny the idea of missing it. "Well... pritong isda, manok, at hotdog."
"Fried or any processed food is unhealthy."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Nagluto ako ng gulay sa kanya kanina. Healthy 'yon."
"Did he enjoy it?"
"I'm not sure. Ginaya ko naman ang nakita ko sa video, siguro tama naman ang lasa?" Ngumiwi ako. "Aaminin kong malalaki ang hiwa ko sa sitaw at talong. Ang hirap kasi gayahin noong babae sa video. Mabilis. Nahiwa pa nga— I mean matututo rin ako ng tamang paghihiwa ng mga gulay."
Dumako ang titig niya sa daliri kong may bandage.
Mabilis ko iyong tinago. Tiningnan ang suot niyang pormal. Mukhang may pupuntahang event? Sakto, pala papasok na siya at aalis na ako. "Mamamalengke ako. Gulay ulit ang lulutuin ko... para healthy."
"Samahan na kita."
Pinandilatan ko siya ng mata. Wala ba itong lakad? "Mamamalengke ka na ganyan ang suot mo?"
Tiningnan niya ang suot niya. Tumingin sa akin na para bang wala namang mali roon. "What's wrong?"
Umiling ako. Iniisip na dadalhin ko siya sa wet market, para mandiri siya at lubayan na ako. Tama. Tiyak maarte iyan. Anak mayaman. Sumakay kami sa magara niyang sasakyan. Tahimik ako buong biyahe, nasa kalsada lang ang tingin habang siya'y ramdam kong gusto magbukas ng pag-uusapan at panay ang sulyap sa akin.
Mula sa pagkaka-slouch, napatuwid ako sa pagkakaupo ng mapansin na patungo sa mall ang ruta namin.
"Hindi ako namimili sa ganyan. Baka maubos ang budget namin." I've waited for his complaint that he doesn't like to go to the wet market and he will leave so he could go to his for sure business. But I got alarmed when he maneuvered the car turning around going to the wet market.
What the!
Sa parking palang, agaw pansinin na agad kami. Noong lumagpas kami sa mga nagbebenta ng baboy, naiiwan ang tingin ng mga tindera at mga bumibili sa taong sumusunod sa akin. Bawat supot ng pinamili ko ay pinahahawak ko sa kanya. Hindi siya nagreklamo. Seryoso at tahimik lamang siyang sumusunod sa akin. Lumiko ako sa mas basang parte ng palengke ang para sa mga isda. Doon sa mga buhay pang mga tilapia, masuwerte na matilamsikan ng malangsang tubig.
BINABASA MO ANG
Burning touch
ChickLitNamulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahimik at simple ang buhay niya roon, malayo sa makisig, mayaman at guwapong lalaki na nanggaling sa Maynila, Cameron Oswold III. Lumapit sa kan...