Chapter 3

305 14 6
                                    

"Hindi ba uuwi ang tatay mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ba uuwi ang tatay mo?"

Tulala ako pagkauwi ng maabutan ni Nanay Gal. Kanina kasi sa pamimili, nakakita na naman ako ng scene na malabong makita rito sa nayon. Ang maliit na tindahan ay napalitan ng mamahalin at magarang boutique. May lumapit na naka-unipormeng babae at binati ako. Inilahad nito sa akin ang mga magagandang klase ng damit at mga accessory. Lahat ay maayos na nakasabit sa hanger, dipende sa klase at disenyo.

Samantalang ang inilahad sa akin ni Banyera na damit ay halatang malayo sa mga nakita ko kanina.

Hindi ko maintindihan. Bakit ako nakakakita ng mga ganoong klase?

"Susunduin ko nalang po."

"Mag-jacket ka. Malamig sa labas, Katya."

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Wala akong dahilan. Hindi ko naman ito madalas gawin sa kanya, pero hindi ko maiwasan. Parang natatakot ako na malaman ang kakaibang katanungan sa isip. Baka nangangarap lang ako?

"Opo."

Tumawa si Nanay at gumanti ng yakap. Hinaplos ang likuran ko. "Gusto mo bang sumama ako sa labas?"

I noticed her old clothes and the torn on the shoulder though it was small and I think not comfortable to wear anymore, yet she doesn't have a choice. She had less clothes just like Tatay. Ganito ba talaga ang buhay namin noon pa? Bakit pakiramdam ko ay mayaman kami noon?

"Nay?"

"Hmm?"

"Mahilig ka ba sa ganitong damit?"

Mabilis niya akong hinawakan sa balikat upang matingnan. The wrinkles on her face was telling me how she was old enough just like Tatay. "Bakit? Gusto mo ba ng bagong damit?"

Palagi nilang iniisip ang kapakanan ko, kahit pa hindi naman ako humihiling ng kahit ano sa kanila. Ngumiti ako. "Hindi ako. Ikaw, Nay. Tsaka si Tatay."

"Naku, okay na kami sa damit namin. Magandang mabilhan ka ni Rufino ng bagong damit. Pista na bukas. Sumama ka kay Banyera para makapasyal kayo."

Ako na naman. Kahit pa, siya nga itong kailangan ng pera para sa gamot niya. Siya ang mas kailangan ng bagong damit. Muli akong yumakap at tinuro ang labas. Nakuha niya iyon, kaya lumarga na ako pagkabihis ng jacket na nakita ko sa tokador. Pink knitted jacket iyon, sapat para mainitan ako laban sa simoy ng malamig na panggabing hangin.

How weird to see this view everyday but I felt new here. I don't know but it felt like I never live in this kind of place. I kicked the small stone and watched where it landed. I got surprised to see, Third, sitting an old wood near a coconut tree. Because of the stone, he glanced my way. Itinago niya ang hawak na lata ng kung ano at napatayo.

"For Tatay Rufino?"

Tumango ako.

"I'm sorry. I promise him to pay once my yacht got fix. Maaga ba kayo ulit bukas?"

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon