Mula sa madilim na malawak na dagat at bawat bangkang tinatanglawan ng lampara, pinanood ko ang pagsulyap ni Banyera sa akin habang hawak ang baldeng puno ng mga isdang nahuli ng kanyang ama at nakatatandang kapatid na lalaki.
"Nakikiayon ang swerte sa atin! Swerte talaga kapag sumasama si Katya, Tingnan mo, Rufino!" anang tatay niya. Sa kamay nito, ipinakita ang malaking isdang ngayon ko lang nakita sa tana ng aking buhay.
Nangunot ang aking noo. O baka, nakakita na ako niyan noon, sadyang hindi ko lang matandaan kung ngayon lang ba talaga o hindi.
The man he named, squatted in front of me to fix the old blanket that gave me warmth. "Pasensiya ka na, anak. Bukas ay hindi muna kita isasama." Tumayo siya upang ipagpatuloy ang paghila sa lambat. "Hindi nakabubuti sa kanya ang napupuyat. Baka bukas ay ako lamang ang pumalaot." Sumulyap sa akin ito saglit. Bagama't may katandaan na, malakas at sanay nitong hinila ang mabigat na lambat na puno ng isda.
Nagmadali akong tumayo upang tulungan siya. Nanginginig ang aking braso bawat hila noon.
"Doon ka nalang sa gilid. Kaya ko na ito."
"Tay, kaya ko." Kinindatan ko siya bago ngumisi.
Mabilis natapos sila Banyera dahil tatlo sila. Mas bata rin ng ilang taon ang ama niya kaya mabilis sila kumilos, hindi gaya ni Tatay na kaya naman ngunit may katagalan lamang.
"Doon ka na, Katya. Ako na rito."
"Salamat, Kuya Baldo." Ibinigay ko sa nakatatandang kapatid ni Banyera iyon bago tumalikod. Nakuha ni Banyera ang kumot, siya ang naglagay noon sa aking katawan bago nakinood sa pagtulong ng ama at kapatid niya sa aking tatay.
Hindi lamang kami ang nakahuli ng maraming isda. Maging ang iba rin naming kasabay. Habang pabalik sa pangpang, ganoon na rin ang pagkain ng liwanag sa madilim na karagatan.
I watched the loud and cheerful group on the other larger boat on front. Just like us they were celebrating! Nagkakantahan at nagbibiruan kami nila Banyera sa tuwa sa dami ng nahuli.
"Sa dami ng nahuli, may pambili na ako ng bagong damit para sa nalalapit na pista nito. Ikaw, Katya?"
Kalmado kong ninamnam ang simoy ng hangin. Kahit pa maliwanag na ay malamig pa rin iyon. Ngumiti ako. "Okay na sa akin ang mga damit ko. Kailangan ba bago ang suot kapag pupunta ng pista?"
Kita ko ang pag-angat ng tingin ni Banyera sa aking tatay. Iniisip kasi niya, walang pakialam ang magulang ko pagdating sa mga ganoong bagay. Kumpara sa kanila, higit na mahirap lamang kami. Pinagkakasya ang napagbentahan ni tatay para sa pagkain namin maghapon at gamot ni nanay.
Sa totoo lang, matagal na akong gustong bilihin nila nanay at tatay ng bagong damit. Ako lang mismo ang tumatanggi dahil mahalaga ang kalusugan ni nanay. Palagi kasi siyang inuubo at nilalagnat. Hindi gaya kong tinamaan lang ng karamdaman, ngunit sa ngayon ay alam kong magaling an ako.
BINABASA MO ANG
Burning touch
Literatura FemininaNamulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahimik at simple ang buhay niya roon, malayo sa makisig, mayaman at guwapong lalaki na nanggaling sa Maynila, Cameron Oswold III. Lumapit sa kan...