Chapter 13

154 9 20
                                    


"Saan ka pupunta?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saan ka pupunta?"

Huminto ako sa pagbaba para lingunin ang aking kapatid. Black shorts and white t-shirt. His usual outfit at home, normal for me but girls out there drooling to this view of him. Daryl's majestic beauty was not a joke. He was a real deal. If he wasn't my brother, possible na magustuhan ko siya.

My eyes glared at his pale lips? "Nagpuyat ka na naman kaaaral? Matulog ka pa. Alas Singko palang Daryl."

"Palagi ka nalang wala."

Iniiba ang usapan. "Narito naman ako kapag Linggo."

"May advanced class ako kapag Linggo."

Kumurap-kurap ako. "Hindi ko alam." Palagi kasing si Bethanie ang kasama at kausap ko. Hindi ko napapansin na wala siya. "Mag-absent ka. Mag-coffee tayo sa Kansas, may alam akong masarap mag-serve ng coffee roon."

"Gusto ko ngayon."

"Pero Daryl, mahalaga—"

"Mas mahalaga ba sa akin iyan."

Nangunot ang aking noo. "Mahalaga ka sa akin. Pero mahalaga rin sa akin ito. Maniwala ka—"

"Huwag kang umalis."

"May bukas pa naman Daryl." Tinalikuran ko na siya ng maramdaman ang vibration ng cellphone ko mula sa bulsa. It was a message from Junno telling me he was waiting me outside. Sa gitna ng hagdan ay itinaas ko ang kamay ko habang nakabaluktot sa isat-isa. "Pangako bukas. Sa'yo ako, okay?"

I panicked when I felt another vibration from my pocket.

Damn it! Bakit ba kasi ang layo ng venue namin ngayon! Nagmadali na ako sa pagbaba at hindi na nilingon ang kapatid. Pinagsisisihan ko iyon habang tinitingnan ang walang malay kong kapatid sa stretcher. Sumasabay ako sa takbo ng mga staff ng hospital habang tulak siya papasok ng emergency room.

Hindi ako pinahintulutan sa loob.

Iyak ako nang iyak habang naroon. Hindi gumagalaw. Pinapanood ang anino sa loob.

"Dahlia?"

Napalingon ako kay Tito Daniel. Mabilis siyang dumalo sa akin at yumakap.

"Anong nangyari?"

"Tito. Naabutan ko nalang po na wala siyang malay sa labas."

Tito had been good for us. Bagaman abala siya sa trabaho, hindi siya nagkulang sa pangangalaga sa aming magkapatid. Nang kumalma ako, doon ko lang napansin si Bethanie na kanina pa nakatingin sa tahimik na si Cameron sa gilid.

Kanina pa ba sila riyan?

Nawala sa isip ko ng siya ang tumulong sa akin sa pagbubuhat kay Daryl. Siya rin ang nagdala sa amin dito sa Hospital. Hindi ba't may lakad siya?

"Sorry."

Mula sa sahig ay nag-angat siya ng tingin sa akin. "It's okay."

Bethanie stepped into us. Nakatingin siya sa akin, wala man sinasabi ay bakas sa mukha ang katanungan na anong ginagawa ni Cameron doon. Bakit kinakausap ko si Cameron?

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon