Please be aware this chapter is unedited so expect some errors ahead. Thank you!
No matter how cruel our life is, as long as there’s still hope and being with the person who can make us feel alive is enough.
*****
Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko habang pilit na inaalala kung ano ang nangyari, bakit ako nanghihina at hirap akong huminga. Hindi ko rin magawang igalaw kahit ang mga braso ko dahil sa bigat ng pakiramdam.
Saka ko lang naalala ang mga nangyari pakalipas siguro ng ilang minuto. Unti unti ko na ring nararamdamang gising na ang diwa ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero ang huling alam ko ay nasa tree house kami ni Nyx at tinanong nya ako kung pwede ba siyang manligaw. Tama, si Nyx!
Narinig ko ang pareho nilang boses ni mama. Bakit nakakarinig akong umiiyak? Unti umti kong ibinuka ang mata ko at nagulat ako sa narinig.
“H-hindi naman siya tuluyang gumaling, gusto lang daw na iparamdam sakanya ang norma na buhay, Ijo may taning na siya. Hindi na magtatagal ang anak ko.”
Parang tumigil ang mundo ko sa pag ikot. Ito na ba ang sinasabi nilang buhay ka pa lang, hinuhukayan ka nan g lupang paglilib’ngan?
Bakit pa nila kailangang magsinungaling saakin? Bakit pa nila ako hahayaang magsaya kung isa lang din naman ang bagsak ko, mamamatay lang din naman pala ako ng maaga bakit kailangang ang lahat ng ‘to ay maranasan ko pa. akala ko swerte na ako at gumaling na ako sa peseng sakit na ‘to. Akala ko lang pala.
“Hindi mo alam kung gaano kabigat saakin ang makitang masaya siya dahil sa pagsisinungaling ko sakanya. Pero ‘yun na lang ang tanging paraan para sa mga nalalabing oras niya man lang ay may magagandang alaala siyang nabuo ng walang iniisip na sakit.” Naibuka ko na sa wakas ang mga mata ko kasabay ng pagdausdos ng luha.
Bago pa man ako makatawag sakanila ng pansin ay parang nabiyak ang puso ko sa mga sumunod na sinabi ni mama.
“Gusto ko siyang maging masaya, at alam kong mula nung dumating ka mas naging masaya ang takbo ng buhay niya. Pwede bang humingi ng pabor na pasayahin mo ang anak ko. Pasayahin mo siya sa abot ng makakaya mo, gusto kong makita ang anak kong masigla at masaya. At siguadong may Malaki kang maiaambag sa kasiyahan niya. Nakikiusap ako, mahal na mahal ko ang anak ko.”
“Can you please don’t give up? She’s still breathing. Miracles do came true, can’t we just pray for her total recovery instead of crying because her days are numbered? I love your daughter, you don’t need to beg because I insist. I’ll make her happy, I promise.”
Dahil sa sinabi niya ay saka lang ako nagkaroon ng lakas para magsalita. Kasabay ng daloy ng luha at ang paos kong boses, nagtataka akong tumingin sakanila at tinawag si mama, “Ma, anong ibig sabihin ng lahat ng ‘yon?”
“A-anak,” “Leana,” halos magkasabay pa nilang sabi at nagmamadaling lumapit saakin.
Parang gusto kong magwala, bakit ako? Bakit ako pa ang kailangang magdusa ng ganito, bakit? Ano ba ang kasalanan ko?
Dahil sa sobrang galit at poot na namamayani sa dibdib ko ay tinanggal ko ang swero na nakaturok sa palapulsuhan ko, buong buhay ko palagi ng ito ang kasama ko. Bakit pa kailangang paabutin sa ganito.
Pilit nila akong pinigilan at hinawakan ang magkabilang braso ko. Ng kumalma ako ay unti unting nilang binitawan ang kamay ko at lumayo ng bahagya si mama. Nasa kanang bahagi ko si Nyx na pilit hinahawakan ang pisngi ko para iharap sakanya.
“Leana, baby. Look at me please.” Luhaan akong tumingin sa mukha niya at nakita ko ang pinaka ayaw kong ekspresyon sa lahat. Ayoko ng kinaaawaan.
BINABASA MO ANG
Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)
Teen Fiction[SUNSET SERIES ONE] [Published under LLP] A girl who's suffering a severe disease, and a boy that's slowly losing his sight. As the sunset crosses their paths, love will eventually grow. Every 6:20 PM, as promises slipped through their mouths. Promi...