15: He's also suffering

17 5 0
                                    

Every truth, every revelation, it can cause happiness and sometimes pain. Surprises isn’t always about happiness, in fact it can drag you down and drown into sadness.

~~~~~

Nagtaka ako dahil pakiramdam ko ay umaandar ako kung saan man ako nakasakay. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa takot, ramdam ko ang maamig na hanging tumatama sa mukha ko. Nang idilat ko ang mata ko ay sumalubong saakin ang dilim. Saka ko lang din naramdaman ang mga brasong nakayakap saakin habang nasa unahan ng umaandar na bike.

Kahit hirap at pakiramdam ko ay walang balak lumabas na salita sa bibig ko ay nagawa ko paring tawagin ang pangalan ni Nyx.

“Nyx,” nanghihina kong sabi at naramdamang unti unting bumagal ang takbo ng bisikleta at tuluyan itong nahinto.

Humnga ako ng malalim bago tinignan ang taong nasa likuran ko.

Tumambad saakin ang mukha ni Ouranos na parang naiiyak at malayo ang tingin.

“P-Planeta.” Alanganin kong sabi at tinanggal niya kaagad ang kamay na nakayakap saakin. Pinakiramdaman ko ang luha ko at pilit itong pinigilan. Masyado ng mababaw ang luha ko at hindi na maganda ito.

“Baki sandya, bakit?” halos mag crack na ang boses niya dahil sa pasigaw na pagsasalita at mababakas ang galit niya sa bawat katagang binibitawan. Nanatili lang akong nakatingin sakanya at hindi magawang sumagot.

Kita ang galit sa mga mata niya dahil sa pagkibot ng mga labi, halatang may gusting sabihin.

“bakit pa kailangang umabot sa ganito? Why did you cut your hair? I thought it’s one of the important things for you? Sandya, are you giving up now? Hindi na ikaw yung nakilala ko, because sandya can’t do such thing!”  sabi niya kaya wala akong ibang nagawa kundi umiyak.

Tama siya, ang dating Sandya, hindi agad sumusuko, ang dating ako hindi hinahayaang lamunin ng sobrang kalungkutan na ganito. Parati akong gumagawa ng paraan para ngumiti, pero masisis ba nila ako? Gayong kahit ako, kinasusuklaman ang sarili ko?

“Bakit, alam mob a ang nararamdaman ko?”

Miski ako ay nagulat dahil sa pagsigaw na siyang nakapag patigil sakanya. Ilang segundo siyang nakatitig saakin na hindi makapaniwala bago ibinaling ang atensyon sa iba. Pagak pa siyang umawa bago magsalita ulit.

“Hindi alam? ‘yon ba ang basehan to let you ruin yourself in that situatin? What’s more worse? You only see one person when you’re in danger, it’s always him!” bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya at marahas na ipinilig ang ulo.

“Anong kinalaman dito ni Nyx?” nagtatakang tanong ko.

“See? I didn’t mention a name but he’s the first one who comes in your mind!”

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ko siyang nasampal, nag-init bigla ang dugo ko dahil sa sinabi niya, bakit kailangan pang kasali si Nyx sa usapan namin? Bakit kailangan pang idamay ang taong wala namang ibang ginusto kundi ang mapasaya ako.

“Bakit ganyan ka makapagsalita?” tanong ko na umiiya, hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap ng maayos sakanya kung puno siya ng galit.

Tanggap ko ang galit niya dahil concern siya saakin—lahat sila. Nagkakaganyan lang naman siya dahil sa sarili kong katangahan.

“Sandya, I’m your bestfriend too, but why does it always have to be him? What about me? I can make you happy too—why him, not me?”

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Parang natauhan ako bigla at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin maliban sa “sorry,”

Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon