30(Last chapter)

43 4 0
                                    

Goodbye’s hurt the most, goodnight isn’t.
So why crying over someone going to rest and sleep?

~~~~~

“Nyx…” lumuluhang bulong ko habang unti unti na siyang papalapit saakin. Hindi ko magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko habang malalim na nakatitig sa mga mata niya.

Pagkalapit niya ay hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Ambang yayakapin niya ako ay bigla ko siyang sinampal ng pagkalakas lakas para maibsan ang hinanakit na nararamdaman ko. “Masakit ba?”

Hindi siya makapaniwalang napatingin saakin at napangiti.

“You miss me that much hmm?”

“Nyx, hindi yun nakakatuwa. Anong inaasahan mo? Magpa-party ako sa kunwaring pagkamatay mo? Lapit ka pa at ako ang papatay sayo.”

Nagbabanta kong sabi pero natahimik siya at hindi nakasagot. Ilang segundo pa akong naghintay na magsalita siya pero nginitian niya na lang ako ng tipid at lumingon sa likuran ko.

“Thank you tita.” Napataas pa ang kilay ko dahil sa sinabi niya. So, magkasabwat sila ni mama? Ano ‘yon, palabas para kunwari mamimiss ko? Aba!

Ilang sandali pa ay parang nalunod ng sobrang tuwa at gulat ang puso ko ng mariig silang magsimulang kumanta.

“Happy birthday to you…”

Unang lumapit si Ouranos na kasama rin pala nila at niyakap ako sabay bumulong. “Are you happy now? Because I am. For the first time, hinayaan kong mas mapalapit sayo si Nyx ng hindi na ako nasasaktan.”

Bumitaw siya sa yakap at akmang hahalikan ako ng pigilan ko siya gamit ang palad ko na itinakip sa mukha niya sabay marahang itinulak papalayo.

“Para isa lang eh, Damot.” Halos pababae niyang sabi kaya natawa ako bago napailing iling sa suunod niyang sinabi, “Pero achievement ‘yon. Nagawa ko na dare mo.”

“Happy birthday to you…” sumunod na lumapit saakin si Helen na may dala dalang damit.

“Gaga, di man lang ako hinintay bago nagsimula. Sayang ‘tong dress na ipapasuot ko sayo, bigay ng pretty grandma mo.” Inirapan niya pa ako bago humalikipkip.

Kinuha ko ang dress na sabi niya at tinitigan iyon bago bumaling sakanya. “Sa’yo na lang. Remembrance.”

“Of course ‘di ko yan tatanggihan.” Inismiran niya pa ako bago inagaw sa kamay ko ang damit.

“Pero gaga, maraming pogi dito. Parang gusto ko na dito na lang tumira.” Humagikhik pa siya habang bumubulong.

“Ang pangit mo.” Sabi niya na parang kagaya ng pagsisimula niya kanina.

“Oo na, pahahabain ko pa ba ang usapan. Ikaw na, iyong iyo na ang korona.”

“Very good.” Sagot niya na ikinahugot ko ng malalim na hininga.

“Pero bruha, realtalk lang ah? Ang pangit mo talaga.” Pinukol ko siya ng masamang tingin kaya lumayo siya at humagalpak ng tawa.

“Joke lang bestie. Mahal kaya kita. Ikaw ang araw ko eh, diba?” pansin kong namuo na naman ang luha niya kaya bago pa man yon bumagsak ay sinenyasan ko na siyang lumayo dahil mukhang magsisimula nanaman akong magdrama.

“Mama…” Akon a ang tumawag sakanya ng naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat.

“Happy birthday, Sandya…” nag crack na ang boses niya at hindi parin siya pumupunta sa harap ko. Ako na ang nagpumilit na lumingon sa likod at nakita ko siyang nakatakip ang kamay sa mukha. Pilit kong tinanggal ang tabing at nagsimula ng maging emosyonal.

Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon