14: The act of letting go

24 5 0
                                    

Giving up doesn’t mean that you have to, sometimes people are giving up such thing to make the burden lesser and better.

~~~~~

Tinanghali  ako ng gising at ang tanging bumungad saakin ay ang mga nagkalat na panglinis sa kwarto na animoy dinaanan ng bagyo. Sino ba ang imbes na maglinis ay nagkalat sa kwarto ko?

Napailing iling na lang ako bago bumangon at nag inat ng katawan. Buti na lang at hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayon at feeling ko magiging maayos ang buong araw na ito.

Tumayo ako at pinilit na tinipon ang mga panlinis at inayos ang kama. Itinapon ko na rin ang nalalanta ng bulaklak sa flower vase. Nagmumukhang napabayaan itong kwarto dahil wala man lang kabuhay buhay sa kupas na kulay asul na dingding, medyo natatanggal na rin ang mga pintura kaya ang pangit tignan.

Ang cabinet din ay medyo sira na\a, muha nan gang bodega.

Ilang sandali pa habang nagwawalis ay bumukas ang pinto ay pumasok ang tatlo habang si Helen at Ouranos ay nagbabangayan nanaman na parang mag-asawang namomroblema sap era.

“Sandya, ba’t ka naglilinis? Tinanghali lang ng gising, sinipag?” natatawang sabi saakin ni Helen bago dumiretso at pasalampak na umupo sa sofa. Inirapan niya pa si Ouranos  bago nahiga upang sakupin ang upuan at maiwang nakatayo si Planeta.

Nagkatinginan kami ni Nyx at pareho nagkibit-balikat bago sabay na natawa’t napailing-iling.

“Mabuti pang tulungan niyo ako sa paglilinis kesa mag-away na parang aso at pusa.” Sabi ko kaya nagkatinginan sila at lumapit saamin ni Nyx.

“Teka, ba’t ka nga pala naglilinis? Sana nagpahinga ka na lang.” sabi saakin ni Helen bago inagaw ang hawak kong walis. Nameywang ako at matalim siyang tiningnan.

“Eh sino ba kasi ang nagkalat niyan sa warto ko?” nakataas na kilay na sabi ko.

“Hala, ulyanin ka na? sabi mo kagabi na maglilinis ka kaya mo inilabas ‘tong mga panlinis, tapos ngayon mangsisisi ka? Baliw k aba?” natawa siya dahil sa sinabi niya pero naging iba ang epekto niyon saakin.nginitian ko sila ng peke at sumenyas na lalabas lang ako saglit. Tumingin pa ako sa likuran ko at bui na lang walang sumunod kaya tumakbo ako papunta sa opisina ni Maam nanny.

“Maam, pwede po bang makahiram ng cellphone?” humahangos na sabi ko pagkapask ng opisina niya.

Nagtataa man ay agad niyang iniabot saakin ang cellphone at bago pa man siya makapagsalita ay tumakbo na ako papuntang garden.

Kumalabog ang dibdib ko hindi lang dahil sa pagod sa pagtakbo kundi dahil na rin sa kaba na namamayani sa dibdib ko.

Huminga ako ng malalim bago tumitig sa cellphone at binuksan ang google app.

Palaging may wifi dito sa ospital pero ngayon lang ako gumamit dahil wala naman akong cellphone at wala akong balak magpabili kay nanay. Dagdag lang sa gastusin.

Nanginginig man ang daliri ay agad akong nagtipa para masagot lahat ng tanong sa isip ko.

‘Leukemia’

Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam kung magugulat, matutuwa o malulungkot sa kung ano mang lumabas na mga impormasyon sa cellphone. Puro kahulugan lang naman ang nakita ko.

Leukemia—broad category of cancers that affect white blood cells. The chances of survival depend on a variety of factors, including a peron’s age and response to treatment.

Hindi ko na tinapos ang binabasa ko at agad na naglipat ng ise-search. Agad kong itinipa ang mga salitang…

‘how does one typically die from cancer of the bone marrow such as leukemia.’

Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon