Being happy is limitless, so as long as you still can, always make a way to plaster a smile and be happy.
*****
Ilang linggo na rin ang lumipas at nag undergo na ako ng chemotherapy. Kahit ayaw ko ay wala akong magawa dahil sa tingin nila iyon ang paraan para gumaling ako. Hindi nila alam na mas lalo lang ako nitong pinapatay sa bawat pagturok saakin ng karayon ay pagpapalit ng dugo ko sa katawan.
"Anak, kailangan mo magpagamot para gumaling ka na." pag mamakaawa ni mama sa harap ko dahil schedule ulit ngayon ng chemotherapy session ko.
Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko at isinubsob pa lalo ang unan sa mukha ko at nakataluknong ng kumot. Gusto kong umiyak, magmukha man akong bata dahil sa paraan ko ngayon ng hindi pagsang-ayon.
"Mama, ayoko po." nagmamakaawang sabi ko habang baluktot at kaunti na lang ay nanginginig na sa takot.
Ilang sandali siyang natigilan at hindi nagsalita bago ko narinig ang isang pamilyar na boses.
"Leana," napapikit ako ng mariin sa paraan niya ng pagtawag ng pangalan ko, parang puno ng awtoridad at sinasabi saakin na wala akong ibang magagawa kundi sumunod.
Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at maluha luhang iniangat ang tingin sakanya. Inilapit niya ang mukha niya at napansin ko na umalis si mama sa kwarto. Pinunasan niya ang natuyong luha sa pisngi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Don't be afraid, I'll always be right here at your side, I'll hold your hand. Baby, please listen."
"Aanhin ko yang kamay mo? Matatanggal ba niyan yung sakit?" sabi ko sakanya bago ako umupo at inirapan siya.
"Halika na nga! Baby baby pa, hindi na ako dumedede hoy!" natatawa kong siyaw sa mismong harapan niya habang inaalalayan akong tumayo.
Ilang linggo na rin ang lumipas at kita ang pag-iiba ko. Mas lalo akong nangayayat at pumuti, hindi natural na puti kundi putla na maging labi ko ay madalang ng maging pula. Unti unti na ring lumalagas ang buhok ko.
"Leana?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Kanina pa pala ako nakatulala at hindi man lang namalayan na nasa harapan na pala kami ng nakabukas na pinto ng kotse niya.
Hindi ko na lang siya sinagot at pumasok na kaagad sa may passenger seat. Wala lang kaming imik sa buong byahe at tinulungan niya lang akong bumaba, pagkatapos ay pumasok na kami ng sabay. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, ewan kung dahil kinakabahan o dahil hawak niya kanina pa ang kamay ko.
"Sandya!" salubong saamin ni Helen papasok pa lang kami ng ospital, may ngiti sa mga labi niya pero hindi ko man lang magawang suklian. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya bago kami tahimik na ihiniya sa kwarto.
Nanginginig ako sa takot dahil parang mauulit nanaman ang bangungot saakin dati. Halos gusto ko maiyak ng makita ang ibat ibang hose at aparato na siyang ikakabit sa braso ko.
Ilang sandali pa ay dumating ang doktor at hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi maluha. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Nyx sa kamay ko. Tama nga siya, hangga't hawak ko ang kamay niya, alam kong hindi ako nag-iisa sa paglaban sa sakit ko. Sino pa ba ang magtutulungan kundi kami kami lang naman.
Kakaupo ko pa lang sa upuan ay ramdam ko na ang pangangatog ng tuhod ko. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko kay Nyx habang nasa kanang larte ko siya at nakaupo naman sa may sofa sila mama at Helen. Naramdaman ko ang haplos ni Nyx sa ulo ko kasabay ng paulit ulit na pagsabi ng 'magihing maayos ang lahat', 'gagaling ka, tiwala lang', 'hawakan mo lang ang kamay ko' at marami pang iba para lang mapagaan ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)
Novela Juvenil[SUNSET SERIES ONE] [Published under LLP] A girl who's suffering a severe disease, and a boy that's slowly losing his sight. As the sunset crosses their paths, love will eventually grow. Every 6:20 PM, as promises slipped through their mouths. Promi...