20: Confessions

10 4 0
                                    

Returning a favor is not that bad, and also if it means that you're returning everything they've did just to prove you love them before you die is a different kind of satisfaction.

*****

Pinanonood ko kung paano maghalo ang liwanag sa dilim habang nakaupo sa bakanteng bench dito sa may garden ng ospital.

Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Ilang saglit pa ay may narinig akong boses. Idinilat ko ang mata ko at nakita ang isang pamilyar na babae.

Siya yung nakita ko sa paaralan nila Ouranos kahapon. Tumayo kaagad ako at tinulungan siyang bumangon. Nadapa siguro siya at nagtamo ng galos sa tuhod. Pinaupo ko siya sa inuupuan ko at kinuha ang panyo ko sa bulsa.

Lumuhod ako sa harap niya at itinali ang panyo sa dumudugo na tuhod niya. Pag angat ko ng tingin ay nakangiti siya ng malapad.

Agad ko siyang sinuklian ng matamis na ngiti bago tumayo at marahang umupo sa tabi niya.

Isa siyang morenang babae na may maikling buhok na hanggang balikat. May katangkaran lang ito saakin ng kaunti pero alam kong hindi magkalayo ang edad namin.

“Ahm, thank you po.” mahinhin na sambit niya.

“Walang anuman. Bago ka ba rito?” tanong ko ng nakangiti, magaan ang loob ko sakanya at ramdam ko na mabait siya kahit kakakilala pa lang namin, hindi ko pa man alam ang pangalan niya.

“Hindi po, may bibisitahin lang. Ikaw po ba yung nakita ko kanina? Sa school?”

“Oo ako nga, pasensya na pala.” naiilang kong sabi dahil nakaramdam ako bigla ng hiya dahil napakagalang niya kahit na hindi niya alam kung sino ang mas matanda saaming dalawa. Samantalang ako, kung makipag usap sakanya, parang nakababatang kapatid lang.

“Okay lang po. Thank you pala sa pagtulong.” napakahinhin ng pagkakasabi niya kaya medyo naiilang ako. Sanay lang siguro ako kila Helen na walang hiya.

“Walang anuman, basta kung may kailangan ka, lapit ka lang sa'kin ah?”

Tinanguan niya na lang ako bilang pag sang ayon at tumalikod bago nagsimulang maglakad.

Huminga ako ng malalim bago nagmasid muli sa paligid. Ngumiti ako habang iniisip na marami pang mabubuting tao sa mundo na masuwerte sa buhay, nakaaangat at deserve ang mga nakukuhang gantimpala. Hindi naman sa hindi sapat ang nakukuha ko, pero hindi parin maalis yung doubt na bakit ako pinarurusahan ng ganito. Peke na lang akong natawa bago isinandal ang likod.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Napakasayang mabuhay, lalo na kapag kasama ang mga mahal ko, pero sana naman ay hindi masyadong limitado.

I've already spent years being with my mother and my bestfriends but it feels like it wasn't enough for me? I want to live more, there's a part of me telling that I should fight because I still want to stay in this world, with my family and relatives of course, and especially with the someone I love.

“Sandya. Ba't nandito ka pa?” lumingon ako kay Ouranos na umupo sa tabi ko at nginitian lang siya, hindi ko alam kung magmumukha ba 'yung sincere o peke.

“Nagpapahangin lang.” maikling sagot ko.

“But you shouldn't stay here for long.”

“Minsan lang naman.” natatawa ko pang sabi dahil umiiral nanaman ang katigasan ng ulo ko. Sa tingin ko ito nga ang dahilan kung ba't masyado silang nag aalala. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung gusto kong gawin uung mga bagay na alam kong bawal at tutol sila?

Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon