Farewell—saddest goodbye.
~~~~~
“Hindi Ma! Hindi pa patay si Nyx!” bulyaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni mama at Helen sa magkabila kong braso.
“Nakita ko pa lang siya!”
Ginawa ko ang lahat para matanggal sa pagkakahawak nila at ng mapagtagumpayan ko ay agad kong inalis ang swero at iba pang nakaturok sa kamay ko.
Kalaunan ay hindi ko rin naman nakayanan dahil wala akong lakas kaya’t wala tuloy akong ibang nagawa kundi yumuko at humagulhol.
Hindi kasi pwede, magkikita pa kami…
Nyx…
***
Wala akong imik sa maghapon, hindi ko rin magawang kumain dahil pakiramdam ko y barado ang lalamunan ko dahil sa sobrang pag iyak.
Hindi ko matanggap.
O sadyang sarado lang ang isip ko sa katotohanan?
Pero hindi pwede, meron parin sa loob ko na umaasang makita ko pa siya, magkita pa kami at gusto ko pa siyang bigyan ng pagkakataon na tuparin ang mga pangako niyang binitawan.
Ilang saglit pa ay may pumasok sa kwarto at iniluwa noon ang nakangiting mukha ni Planeta. Alam ko sa likod ng ngiti niya ay pati rin siya nahihirapan.
Hindi pa kami matagal na nagkakasama pero alam kong napalapit na rin siya kay Nyx.
Nagsimula nanamang manubig ag mata ko pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
“Sanya, pasyal tayo? Gusto mo? Tuturuan na kita ng violin, tapos kakain tayo ng kwek-kwek dun sa may kanto.” Nakangiti niya paring saad na tinanguan ko naman.
“Nagpaalam ako sa mama mo at pumayag naman siya, so tara?” matamlay akong tumango. Tumalikod muna siya saakin ng ilang segundo at tila palihim na pnunasan ang luha bago muling humarap saakin ng nakangiti ulit.
Binuhat niya ako at maingat na inilagay sa wheelchair tiningnan niya pa muna ako bago inayos ang bonet at hinimas ang ulo kagaya ng palagi niyang ginagawa. Hindi na lang ako umiimik ng tumayo siya at itinulak ako papalabas ng kwarto.
Pagkalabas pa lang namin ay bigla na lang umulit sa isipan ko ang napanaginipan ko, kung panagnip ko nga lang ba talaga iyon. Wala sa sariling napangiti ako at tumingin sa daan papunta sa tambayan namin pero ganun na lang ang pagkadismaya ko ng lumiko kami at ang daan papuntang bayan ang tinahak.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Kailangan ko siyang tanggalin sa isip ko kahit sandali man lang, pagod na akong masaktan, mahirapan at umiyak ng umiyak.
Pero hindi ko magawang sisihin ang sarili ko. Una sa lahat, hindi ako naniniwalang patay na siya. Hindi ko kayang tanggapin na tuluyan niyang ipapako ang mga pangakong binitawan niya saakin.
“Sandya?” napabaling ang tingin ko kay Planeta ng kunin niya ang atensyon ko. Nasa harap na pala kami ng paborito naming tindahan sa bayan. Dito kami madalas nagpupunta kapag niyayaya niya ako galing sa eskwelahan. Minsan ay patago niya pa akong sinusundo ng bike sa ospital.
“Salamat kuya Madz.” Sabi niya na tinutukoy ang nagtitinda. Magkakitata na halos kami kasi kami dati ang regular costumer niya.
“Salamat Ouranos! Ikaw rin Sanya, pagaling ka at sayang ang ganda mo, kukunin kitang model pag nagig Resto na itong karinderya ko.” Napangiti na lang ako dahil sa sinabing iyon ni kuya. Napaka taas ng pangarap niya at bilib ako kasi may tinitingnan at may goal siya na gusting maabot.
Kaya kahit gaano kahirap, nag sisikap siya kasi alam niyang magiging worth it ang paghihirap niya.
Napaisip tuloy ako sa sarili ko, ano ba ang goal ko? Kaya siguro wala kasi hindi ko makita ang sarili ko sa mga susunod pang panahon.
BINABASA MO ANG
Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)
Novela Juvenil[SUNSET SERIES ONE] [Published under LLP] A girl who's suffering a severe disease, and a boy that's slowly losing his sight. As the sunset crosses their paths, love will eventually grow. Every 6:20 PM, as promises slipped through their mouths. Promi...