01: Racing heartbeat

165 32 26
                                    

Nothing is better when you finally found an exit to your predicament.

*****

"Sandya! Saan ka nanaman pupunta?!" narinig kong sigaw ni mama mula sa loob ng inuupahan naming bahay.

"You already know where am I going, Mom!" natatawa tawang sigaw ko pabalik habang inaayos ang kadena ng bisikleta.

Nasapo ko na lang ang noo ko ng mapagtanto na flat ang gulong ng bike. Halos maiyak na lang ako ng makitang 6:05 na ng hapon. Hindi ako maaaring mahuli ng dating.

Isa na lang ang pumasok sa isip ko, halos liparin ko na ang bahay ng kaibigan kong si Ouranos para lang makahiram ng bike. Madalas ako sa kanila kaya paniguradong papayagan ako no'n.

"Hoy, planeta! Pahiram ako ng bike ah?!" pagdungaw ko pa lang sa pinto ay nakita ko na siyang abala sa pag practice ng violin pero hindi ko na lang pinansin at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dali dali akong tumakbo sa kanilang bakuran at naabutan ang bagong bili niyang bike. Napangisi ako. Matagal tagal ko rin itong magagamit. Mala demonyo akong mahinang natawa.

Pagkasakay na pagkasakay ko ay dali dali na kaagad akong nagpedal habang pabulusok ang bike papuntang tulay. Dinama ko ang simoy ng hangin habang pakanta kantang tinanggal ng isang kamay ang tali ng mahaba kong buhok habang ang isang kamay ay nananatiling nakakapit sa bike para panatilihin ang balanse.

6:10 ng hapon. Mabilis ang pagpapatakbo ko habang nakangiti. Hindi ko akalaing magiging malaya akong katulad nito simula pa pagkabata ko.

Dalawampung taon pa lang ako ng ma diagnose ako sa ospital dahil meron daw akong Leukemia.

Tandang tanda ko pa noon kung paano ako humagulgol sa harap ni mama dahil sa takot na mamatay ng maaga.

Isang butil ng luha ang hinayaan kong umagos sa pisngi ko habang inaalala ang mga paghihirap na pinagdaan ko.

***

"Mama, anong ginagawa natin sa ospital?" takang tanong ko sa mama ko ng minsang dinala niya ako sa ospital dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Sanay naman akong ginagamot sa bahay kaya nakapagtataka kahit wala kaming pera ay dinala niya ako sa ospital.

"Mama, mag si-six na po ng hapon, hindi pa po tayo uuwi? Halos isang oras po ang byahe 'diba?" malungkot na sabi ko kay mama ng mapansin ang orasan na nakasabit sa dingding sa may likuran niya. Malungkot niya lang akong nginitian at tinanggal sa pagkakasabit ang orasan at pinataob iyon sa lamesa.

"Darating din ang doktor, anak." mahina niyang sabi na animo'y malapit ng umiyak.

Hindi na lang ako sumagot pa at napagdesisyunan na matulog. Nakakalungkot nga lang na hindi ko ngayon nakita ang paglubog ng araw, gusto ko umiyak. Gano'n siguro kapag masyado mong mahal ang isang bagay, nakakabaliw.

Hindi pa ako dumidilat mula sa pagkakaidlip ng makarinig ako ng hagulhol. Ang hula ko ay si nanay iyon. Gustuhin ko mang patahanin siya pero hindi ko magawa, parang may nag uudyok saakin na manatili lamang na nakapikit at pakinggan ang pinag uusapan nilang dalawa ng doktor.

Halos manikip ang dibdib ko dahil sa mga salitang narinig.

"Your daughter has a Chronic Leukemia." napadilat ako ng wala sa oras dahil sa narinig. Hindi man ako matalinong bata pero pamilyar ako sa sakit na sinabi ng doktor.

Hindi nila napansin na gising na ako kaya nanatili lang akong tahimik habang pinipigilan ang luha sa pag bagsak.

"Ano ho ba iyon, dok?" takang tanong ni mama pero halata ang takot at kaba sa boses niya. Maging ako man ay natatakot sa kung anong sabihin ng doktor.

Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon