How happiness make endings?
~~~~~
Abala ang lahat sa pag aayos ng venue, kanya kanyang ginagawa at iba-iba ang hawak na gawain. Napapalibutan na ang venue ng mapuputing bulaklak na kinakabitan ng mga pailaw.Matindi ang sikat ng araw sa dalampasigan pero hindi noon napigilan ang mga taong nagtutulong tulong sa paghahanda.
“Maayos na ba lahat?” sigaw ng isang dalagita na siyang may hawak ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa.
“Yes Ma’am, Yung fresh flowers na pinapa-deliver ang hanggang ngayon ay wala pa. Yung lightings po maayos na. Pati po yung mga dadalhin sa simbahan, naka ayos na rin po.” Napangiti pa ito bago tumango at muling bumalik sa ginagawa.
Malalim siyang humugot ng hininga at pumikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
“Ma’am Helen, nandiyan na raw po ang tulips. Ilalagay ko na po ba?” Sinang-ayunan niya na lang ito at sumunod sa truck na laman ang ibat ibang kulay ng tulips.
“Magugustuhan mo ‘to,” mahinang bulong niya sa kaniyang sarili at inamoy pa ang bulaklak na kinuha niya sa bungkos ng tulips na kulay dilaw.
Narandaman niya na may tumulong luha mula sa mata niya pero agad niya itong pinunasan at napapikit, hindi dapat siya maiyak marapat na mas matuwa siya.
“Ma’am Helen, ayos ka lang po?” Tanong ng isang crew kaya napangiti na lang siya rito at pinilit na ayusin ang sarili bago bumuntong hininga. “Maayos na maayos,” sagot niya.
“So, prepared na ba ang groom?” Masiglang aniya at napalitan kaagad ng masiyahing tinig ang kaniyang boses dahil sa excitement.
“Paalis na po!” sigaw ng isa pa kaya dali dali na silang nagpunta sa sasakyan. Pumasok muna siya sa ospital na puno rin ng dekorasyon, hindi gaanong ka-enggrande pero sapat na para mapagsilbihan ng maayos ang mga dadalong bisita.
Tiningnan niya ang sarili niya sa glass door ng isang pinto at napatingin sa sarili.
“Mas maganda ako saiyo, Araw. Proven and tested!” Natatawa pang aniya sabay flip ng buhok at gandang ganda sa sariling naglakad papunta sa van papunta sa dadaluhan.
Naka light orange dress siya na off-shoulder at nakatali ng paitaas ang buho, feel na feel pa niya ang Cinderella ‘kuno’ niyang buhok.
Malakas ang tibok ng puso niya dahil sa nararamdamang tuwa pero may parte na nanghihinayang at nalulungkot, “Sana nandito ka.” Pagtukoy niya sa pinakamamahal niyang kaibigan bago pang giliran muli ng luha. Agad siyang nag angat ng tingin para hindi iyon tuluyang tumulo dahil masisira ang make-up niya na tatlong oras pa niyang inayos.
Sa kabilang banda, habang nakatingin sa papalubog na araw ay patuloy na bumubuhos ang luha ng isang binate na nakasuot ng tuxedo. Halata ang kasiyahan sa mukha niya pero nababakas ang pagkasabik dito.
“Tinuveil, anak!” Matinis na boses na sigaw ng ina niya ng makita siya sa hindi kalayuan.
“Nandoon na silang lahat, ikaw na lang ang hinihintay. Hindi ka ba masaya? Diba ito ang pangarap mo? Ninyo?” Malambing ang tono na ani nito kaya nginitian niya na lang ito pabalik bago tipid na tumango.
“Susunod po ako, saglit lang,” sabi niya pabalik kaya napabuntong hininga na lang ang mama niya.
“Punta ka agad doon ah? We’ll wait for you, okay?” Tinanguan niya ito bilang pag sang-ayon.
Ipinikit niya ang mata niya at hinayaang tumulo ang luha na kanina ay nakakaya pa niyang pigilan.
Kahit napakapikit ay naaninag niya ang liwanag na dala ng takip-silim.
BINABASA MO ANG
Let's meet at 6:20 PM [Series One] (COMPLETED)
Teen Fiction[SUNSET SERIES ONE] [Published under LLP] A girl who's suffering a severe disease, and a boy that's slowly losing his sight. As the sunset crosses their paths, love will eventually grow. Every 6:20 PM, as promises slipped through their mouths. Promi...