ALEYNY POV
" Hi Queen " sabay lapit sa akin at halik. Bakit ganto parang ang init? Kakaligo ko lang naman bakit ang init init.. " Psst. Anong nangyayari sayo? "
" Ah eh. Wa..wala. Bakit pala queen ang tawag mo sa akin? " takhang tanong ko. Bigla naman syang kumanta.
" ~I'm gonna marry your princess. And make her my queen~. Kaya from now on queen na ang tawag ko sayo "
" Queen kaya tawag sa akin ng mga guard namin "
" Pagsasabihin ko na lang sila wag ka ng tawagan ng ganun. Ako lang ang may karapatan na tumawag sayo nyan. I love you " sabay halik uli sa akin.
~
Napabangon uli ako dahil sa isang panaginip. Napahawak na naman ako sa aking ulo at ininom ang gamot na na-side table ko.
Queen? Sino ba yun? Tsaka bakit ako nakakapanaginip ng mga hindi ko kilalang tao. Kailangan ko na bang pumunta ng ospital para mapagpacheck up.
Hindi na ako makatulog ng gumising ako sa panaginip na 'yon kaya napagpasyahan ko na bumaba na lang at maghanda ng almusal para sa mga anak ko at kay Keith.
Nagluto ako ng fried rice, hotdog, bacon, egg and toasted bread. Mabuti na lamang naturuan ako ni Ate Kylle na magluto. Laki na lamang ng pasasalamat ko sa kanila.
~
" Bye. Honey " sabay halik sa akin. Tumagal ng ilang segundo ang ginawang halik nya sa akin bago bumitaw.
" Ingat ka sa trabaho. I'll miss you " sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
May business seminar kasi syang dadaluhan sa Palawan na tatagal ng tatlong araw. Sinasama nya nga kami pero hindi ako pumayag dahil kailangan kong paghandaan ang pagpasok nila Tintin at Dandan. Inenroll ko na kasi sila.
" Kayo rin mag-ingat dito. Tumawag kayo kapag may problema " bilin nito sa akin. Lumapit muna sya sa mga anak namin na mahimbing na natutulog at hinalikan.
Tuluyan ng umalis si Keith kaya kami-kami na lang ang naiwan dito. Ilang minuto pa lang syang wala, hindi ko na mapigilan ang ma-miss sya. Sana maging ligtas ang byahe nya.
~~~~
" Behave kayo kay Yaya. Wag magulo " bilin ko kila Tintin at Dandan.
Pupunta kasi ako ngayon mall para bumuli ng mga gamit nila sa paaralan. Napagdesisyunan ko na hindi na lang sila isama dahil baka maulit uli ang nangyari dati kaya naiwan na lang sila dito sa bahay. Alam ko naman ang mga gusto ng mga anak ko.
" Yes Mommy " sabay nilang sagot. Hinalikan ko muna sila bago ako tuluyang umalis.
Nakarating ako kaagad sa mall at tumungo sa shop na bilihan ng mga school supplies. Kumuha ako ng mga notebook, lapis, colors at mga iba pa nilang kailangan sa school.
Tumungo rin ako sa bilihan ng bag. Kulay pink na de gulong ang pinili ko kay Tintin samantalang backpack na kulay blue ang kay Dandan. Siguradong magugustuhan nila ito.
Halos dalawang oras rin ako namili ng gamit nila kaya tumungo naman ako sa isang restaurant para magtake-out ng paborito nilang pagkain.
Palabas na sana ako ng hindi ko namalayan na may mabunggo ako. Nakatingin lamang kasi ako sa cellphone dahil tinext ko ang kasama kong Driver.
" I'm sorry Miss " pahinging paumanhin ko sa babaeng nabunggo ko.
" Besty Angela " napatingin ako nagtataka sa kanya. Angela? Na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/29828897-288-k247560.jpg)