ALEYNY POV
Hindi na biro ang pananakit ng ulo ko madalas. Pati na rin ang mga panaginip at biglang humahagip na alaala sa akin. Parang puzzle na alaala na unti-unting nabubuo.
" Ma'am susunduin ko na po sila Dandan at Tintin sa school " paalam ni Manong Driver.
" Manong sasama ako " sabi ko tsaka tumayo.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse. Siguro kailangan ko lang ng mapaglilibangan para hindi kung ano-ano ang nasasagap ng utak ko.
Nakarating na kami ng school. Agad akong tumungo sa loob para pumunta sa waiting area kung saan naghihintay ang mga kinder .
Habang naglalakad patungo doon ay nakita ko na may kinakausap sila. Nang maaninagan ko ang mukha ng dalawang kumakausap sa mga anak ko ay bigla akong napangiti. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko.
" Kuya Lay at Ate Xyrel " sabi ko.
Lumapit naman ako kaagad doon at napansin ako ng mga anak ko kaya tumakbo sila papalapit sa akin. Nginitian ko naman sila Kuya Lay at Ate Xyrel.
" Mommy binigyan po nila kami ng candy, diba po sila yung sa party nila Ate Angela kaya kinuha po namin ang binigay nila kasi kilala namin sila " sabi ni Tintin.
" Sinunod po namin ang sinabi nyo na wag basta kukunin ang ibibigay po ng hindi kilala. Eh kilala naman namin po sila " ngiti ni Dandan
" Nagthank you ba kayo? " tanong ko sa kanila
" Opo " sabay nilang sabi.
Napabaling ang tingin ko kila Kuya Lay at Ate Xyrel. " Salamat po sa binigay nyo sa mga anak ko "
" Walang anuman baby princess " napatitig ako kay Kuya Lay. " Oh I'm sorry I mean Aleyny "
" Ok lang po " nakangiti kong sagot.
" Ang ku-cute ng anak mo. Sana kapag nagkaanak kami ni Lay katulad ng mga anak mo. " sabi ni Ate Xyrel.
" Sigurado po ako na maganda o gwapo ang magiging anak nyo. Kita naman po sa inyo "
" Bolera kang bata ka. "
Hinayaan ko munang maglaro sila Dandan at Tintin na maglaro sa iba pang kinder. Nag-usap naman kami nila Ate Xyrel at Kuya Lay.
" How's your life? Ok ka lang ba sa mga Paulis? Hindi ka ba nila sinasaktan? Naibibigay ba nila lahat ng gusto mo? Inaalagaan ka ba nila ng maayos? " sunod-sunod ang tanong ni Kuya Lay.
Sa tono ng pananalita nya ay sobra syang nag-aalala. Parang ang tagal nya na akong inalagaan kung makatanong sya ng ganyang mga bagay.
" Ok lang po ako. I'm happy with my family " ngiti kong sagot.
" Kung hindi maging ayos ang lahat pwede kang bumalik sa bahay. Naghihintay kami sa pagbabalik mo " ngumiti si Kuya Lay sa amin.
" Hindi ko po kayo maintindihan. Bakit naman po ako babalik sa bahay nyo eh hindi naman ako umalis dahil kahit kailan hindi naman ako tumira sa inyo. Sige ho aalis na ako " paalam ko sa kanila.
" Aleyny wait " hawak ni Kuya Lay sa kamay ko. " Can I hug you? " tanong nya sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot ng bigla nya akong yakapin. Bumulong sya sa tenga ko.
" I miss you and I love you my baby princess " pagkatapos nya akong yakapin ay hinalikan nya ako sa noo.
** " Lagi kang mag-iingat baby princess. Wag masyadong magpapagabi. I love you " **
Napahawak ako sa ulo ko.
" Mommy ayos ka lang? " lapit sa akin nila Dandan.
" Are you ok? " tanong ni Ate Xyrel.
![](https://img.wattpad.com/cover/29828897-288-k247560.jpg)