ALEYNY POV
Patungo na kami sa event place kung saan gaganapin ang engagement party nila Angela at Laurence. Hanggang ngayon di ko alam kung ano ang ia-akto ko kapag kaharap na ang mga Spencer. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ko at isa sa rason kung bakit nawala ang alaala ko.
" Honey kapag nandoon na tayo wag kang maiingit ah " napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya tas ngumiti pa sya ng malapad.
" Aber bakit naman ako maiinggit? "
" Syempre ikakasal sila uli kaya wag kang maiinggit kasi ikakasal rin naman tayo " sabay halik nito sa akin.
" Mommy ikakasal kayo ni Daddy? " singit ng mga bata sa usapan namin.
" Oo ikakasal kami ULI " inemphazise pa nya ang salitang ULI.
" De twice na kayong magpapakasal? " tanong ni Dandan.
" Yes mga anak. Ayaw nyo ba? "
" No Dad. Of course we want basta ako ang flower girl. "
" Ako naman ang ring bearer " prisinta ni Dandan.
" Syempre naman di kayo mawawala sa kasal namin ng Mommy nyo. Excited na ba kayo? Kasi ako parang gusto ko na kahit bukas hahaha " tumawa pa ang magaling ko asawa. Pero masaya ako na nakikita syang masaya.
~
Nakarating na rin kami sa event place. Inasikaso kami ng mga staff ng party kung saan kami uupo. Talagang mahahalata sa party ngayon ang karangyaan nila kaya hindi na siguro nakakapagtaka kung bakit nila kinaya ang pang-aalipin sa magulang ko.
" Angela! " rinig kong tawag ng isang babae. Eto naman ako lumingon.
Hindi ko talaga mapigilan na lumingon kapag may tumatawag na Angela kahit hindi naman ako 'yon. Parang kusa na lang lumilingon ang ulo ko para tingnan iyon.
" Aleyny, sino bang hinahanap mo? " napatingin ako kay Keith.
" Wala naman Honey. Halika na " yaya ko na uli sa kanya.
Umupo kami sa may bandang gilid sa gitna. Nakita ko naman si Ate Kylle na nakikipag-usap siguro sa mga kabusiness nya. Kahit kailan talaga si Ate Kylle puro trabaho ang nasa isip.
Lumapit naman sa amin si Ate Kylle. " Mabuti nandito na kayo. Aleyny excuse muna si Keith " paalam ni Ate Kylle kaya tumango na lang ako.
Umalis na silang dalawa at may kinausap na mga matatanda kaya naiwan kami ng mga anak ko dito.
LAURENCE POV
Napakadisperada na talaga ni Jaizel. Hindi ko aakalain na tototohanin nya ang sinabi nyang magpapakasal kami. Wala akong kaalam-alam na itong party na ito ay engagement party naming dalawa. Sh*t lang talaga.
" Paano ba 'yan Laurence. Dalawang babae na ang pakakasalan mo " pang-aasar ni Florence sa akin.
" Shut up Florence! Get out! " sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang sya sa akin tsaka lumabas ng kwartong kinalalagyan ko which is sa kwarto ni Angela.
Ano na ang gagawin ko? Hindi ko naman kayang tumakas ngayon dahil naayos na nila ang lahat ng plano at ang pinakainiintindi ko ay si Tita Maricar. Gusto kong ipaglandakan sa kanya na hindi si Jaizel si Angela pero wala pa rin akong magawa. Bakit? Dahil baka magkasakit sya sa sobrang depress. Sh*t.
" Anak, Laurence. Maaari ba akong pumasok? " narinig kong sabi mula sa labas ng pinto.
" Sige Mommy " sabi ko.
Pumasok naman agad si Mommy ko. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Alam kong nakikita nya na akong nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon.
" Mommy. Ayaw kong pakasalan si Jaizel. I don't love her " agad kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/29828897-288-k247560.jpg)