ALEYNY POV
Pinaghanda ko ng makakain at maiinom sila Laurence at Jaizel. Kasama nila ngayon si Keith sa sala baka nagkekwentuhan.
" Eto na ang juice " sabay lapag ko ng tray sa may centered table at umupo sa tabi ni Keith.
" Alam nyo bagay kayo talaga " napatingin ako kay Jaizel tsaka tumingin kay Keith at nginitian ko sya.
" Syempre naman. Papakasalan ko ba yan kung hindi kami para sa isa't-isa. Mahal na mahal ko sya " sagot ko kay Jaizel.
Napansin ko naman na hindi mapakali si Laurence sa kinauupuan nya. Parang di sya komportable ngayon.
Ring ring ring
" Excuse me lang Honey sagutin ko lang ang tawag " paalam ni Keith kaya tumango ako.
LAURENCE POV
Talagang binalak ni Jaizel na magtanong ng kung ano-ano kay Angela para masaktan ako. Pero nagkakamali sya. Nagkaroon pa ako ng lakas ng loob para maibalik ko sya sa akin para sa akin ipadama ni Angela ang pagmamahal na binibigay nya kay Keith. I need to investigate Keith Paulis.
" Laurence, are you ok? " napatingin ako kay Angela. Sh!t namimiss ko ang pagaalala nya ng ganyan.
" Yes I'm ok " nakangiti kong sagot.
Bigla naman syang natulala sa akin at napahawak sa ulo. Agad akong lumapit sa kanya.
" Bakit anong nangyayari sa'yo? " hindi sya sumasagot pero iniinda nya ang sakit ng ulo nya.
" Honey " agad namang dumating si Keith at hinawi ako sa harapan ni Angela.
" Honey ang ulo ko ang sakit "
" Jaizel and Laurence pasensya na pero pwede bang dumalaw na lang kayo sa susunod muk--- " hindi pinatapos ni Angela ang sasabihin ni Keith.
" Ok lang ako. Iinom ko lang ito ng gamot ok na ako. Niyaya ko sila dito tas aalis sila agad. Dito na kayo magdinner " pinilit nyang ngumiti sa amin.
" Pero mukhang di maganda ang pakiramdam mo " kunwaring pag-aalala ni Jaizel.
" No. I'm ok. Wait nyo lang ako " tumayo sya at inilalayan sya ni Keith patungong taas.
Tinuon ko ng pansin si Jaizel at sinamaan sya ng tingin. Gumanti lang sya ng pag-smirk sa akin na para bang nang-aasar.
" Ganto dapat ang gawin nating design ate " may naririnig kaming boses ng lalaking bata kaya napalingon kami sa may hagdan.
" Hindi. Dapat ganto kasi mas masarap ang ganto " pangungulit ng babaeng bata. Sila yung mga anak ni Angela, si Dandan at Tintin.
Dire-diretso lang sila sa paglalakad hanggang sa umupo sila sa may sofa ng hindi kami napapansin dahil nakatuon ang paningin nila sa papel.
" Eto na lang kasi " pangungulit ni Tintin kay Dandan.
" Hindi ate. Eto na lang " sabay pout ni Dandan.
" Ano ba yang pinagtatalunan nyo ? " napatingin sila sa amin.
" Kuya Laurence! Ate Angela! " sabay nilang sabi at lumapit sa amin tsaka yumakap. Ngayon ako nakaramdam ng inggit dahil sa mga anak nila. Sana ako may anak kay Angela kung nung gabing iyun binantayan ko sya habang natutulog sya.
" Bakit po kayo nandito? " tanong ni Dandan.
" Inaya kasi kami ni Mommy nyo na magdinner dito. By the way, ano ba yang nakadrawing dyan sa papel? " takhang tanong ko.
" Ah. Tenen! " sabay nilang ipinakita sa amin yung papel na may drawing na pangdesign sa cupcake.
" Ang panget naman ng drawing nyo " nilakihan ko ng mata si Jaizel. " Jowk lang hahaha " bawi nito.
Nagpout naman yung dalawa dahil sa sinabi ni Jaizel. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi nila. Ipinatong ko sila sa magkabilang hita ko.
" Binibiro lang kayo ni Ate Angela nyo. Ang cute nga ng drawing nyo "
" Talaga po? " tumango ako sa sinabi nila.
" Ano po ba mas magandang pang-design sa cupcake na gagawin namin? " tanong ni Dandan.
" Hmm. Ang hirap namang pumili dahil parehong maganda kapag ginamit nyo yang pang-design "
" Kayong dalawa ginugulo nyo ba sila? " napatingin kami kay Angela na pababa sa hagdan kasama si Keith.
" Ayos ka na ba? " tanong ko habang binababa ang mga bata.
" Ayos na. Nakainom na ako ng gamot " nagtwo thumbs up pa sya sa akin.
~~~~~~~~⏰~~~~~~~~
JAIZEL POV
" Salamat sa pag-imbinta sa amin sa bahay nyo. Sana may susunod pa " pagbibiro ko.
" Welcome kayo palagi dito sa bahay. Thank you " sagot ni Angela sa akin.
" Sige alis na kami " hinawakan ko na ang kamay ni Laurence at naglakad.
Nang makalabas na kami ng bahay ay marahas nyang tinanggal ang pagkahawak ko sa kanya. Sa tingin ko naman umobra ang plano ko at una pa lang yan. Maghintay ka Laurence mapapasaakin ka rin balang-araw.
ALEYNY POV" Good night honey" sabay halik sa akin ni Keith.
" Good night na rin " sabi ko rin sa kanya.
Ipinikit ko na ang aking mga mata pero nakikita ko ang ngiti ni Laurence. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga ngiti na 'yon. Parang ang tagal ko ng nakita ang mga ngiti na ibinigay nya sa akin. Matagal ko na ba syang kakilala? Kung oo, saan at kailan. Kung hindi naman, bakit hindi ako maipalagay dahil sa ngiti nya.
~~~~~~Long time no update :((. Pasensya na po ang tagal di nakapag-update. Nagkasakit kasi ako but now ok na ako. Salamat sa mga naghihintay ^_^
Vote. Comment. Enjoy Reading
_haeangel_
![](https://img.wattpad.com/cover/29828897-288-k247560.jpg)