Chapter 8

441 22 11
                                    

ALEYNY POV

Ilang araw ang nakalipas simula ng pumunta si Laurence sa aming pamamahay. Ilang araw na rin akong binabagabag ng aking isipan.

" Honey, are you ok? " tanong ni Keith. Nakabalik na rin sya mula sa Palawan at ngayon nandito kami sa aming kwarto.

" Honey, ka..si " dapat ko bang sabihin sa kanya? Wag muna kaya para sa oras na malaman ko ang nakaraan ko siguradong matutuwa sya dahil kung sakaling buhay pa ang mga magulang ko maipapakilala ko sya. Malaking sorpresa ito sa kanya. Tama!

" Honey what? " nag-aalala nyang tanong.

" Ayos lang ako Honey " nginitian ko sya para mawala ang pag-aalala nya.

" Akala kung ano na yun. Sabihin mo lang sa akin kapag may problema ka. Ako pa ang mas lalong nag-aalala sa'yo " sabay yakap sa akin ni Keith.

Ang swerte ko talaga sa asawa ko at siguradong matutuwa sya kapag maaalala ko na ang nakaraan ko.

~

JAIZEL POV

Arghh! Nakakainis na! Simula ng nagpakita sa amin ang totoong Angela, nabawasan na ang atensyon na binibigay nila sa akin. Ok lang sana sa akin ng una pero di ko akalain na ganto ang mangyayari tulad na lamang ngayon kausap nila ang private investigator na hinire para imbestigihan ang pamilyang Paulis.

" Salamat Investigator Lee " paalam ni Kuya Lay at Daddy sa private investigator.

" May posibilidad kaya na hindi talaga sya si Angela? " tanong ni Kuya Dennis.

" Imposible yun Dennis. Walang taong magkamukha-magkamukha except kung may kakambal si baby princess. Diba wala naman " sagot naman ni Kuya Lay.

" Ano po gagawin natin? diba naipaliwanag na ni Investigator Lee ng maayos ang kinalaman ng Paulis kay Aleyny este kay Angela " sagot ko sa kanila.

Bumuntong hininga naman si Daddy. " Hindi dapat tayo sumuko. Alam ko at nararamdaman ko na si Angela iyon. Walang kwenta ang mga papel na ito " sabay punit ni Daddy ng mga marriage contract, birth certificate at kung ano-ano pang nagpapatunay na hindi si Aleyny si Angela.

Ang tatanga-tanga talaga nila. Ayaw pang maniwala sa mga ebidensya na mayroon sila. Nakaasar na!


LAURENCE POV

Nagising ako dahil sa may tumatawag sa aking cellphone. Agad ko naman itong sinagot ng di na tiningnan kung sino ang tumawag.

" Hello " inaantok kong sagot.

[ Hello Laurence. Si Mommy Maricar mo ito ] napabangon ako sa pagkahiga ko ng marinig ko ang boses ng Mommy ni Angela.

" Magandang umaga po. Bakit po kayo napatawag? "

[ Gusto sana ka naming yayain na sumama sa amin sa family launch namin. Napag-isipan ko lang dahil asawa ka naman ni Angela. Ok lang ba sayo? " ]

" Ok lang po " sang-ayon ko. Sinabi naman nya ang pupuntahan ko at kung anong oras kaya naghanda na ako ng sarili.

ALEYNY POV


" Manong driver hintayin mo na lang ako dito. May pupuntahan lang ako " nagmamadali kong sabi at umalis na.

Nakita ko kasi si Laurence dito sa mall. Napag-isipan ko na magtanong sa kanya tungkol sa akin. Hindi ko muna ipapaalam ito kay Keith.

Hindi sa kalayuan ay nakita ko na ang kanyang pigura.  Kahit hindi ko sya kilala ng lubusan ang bilis ko pa ring maalala sya. Yung hugis ng mukha nya, katawan at kahit pati amoy nya.

Remembering My First Strict LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon