.
" Panaginip na naman " nabanggit na lamang nya sa kanyang sarili ang mga katagang halos araw-araw nyang nasasabi tuwing magigising sya mula sa pagkatulog.
Halos araw-araw nya napapanaginipan ang isang lalaking iniwan nya malapit sa isang dagat. Hindi malinaw ang mukha ng lalaki sa kanyang panaginip.
" Aleyny, Honey " napatingin sya sa may pintuan " Gising ka pa? "
" Sumakit lang ang ulo ko " tugon nito sa kanyang asawa.
Lumapit naman sa kanya ito at hinalikan sa labi at niyakap.
" Honey dapat inumin mo ang gamot mo kapag sumasakit ang ulo mo " kumalas ito sa kanyang pagkayakap.
" Pasensya na Keith, Honey. Nakatulog ako sa pag-aalaga kila Dandan at Tintin " ngumiti ito sa kanyang asawa.
" Ako na ang kukuha ng gamot mo " tumayo na si Keith at lalabas na ng pigilan ito ni Aleyny. " Bakit Honey? "
" Ako na. Alam kong pagod ka na sa trabaho. Magpahinga ka muna at ihahanda ko ang pagkain mo "
" Thank you Honey. I love you "
" I love you too "
Bago lumabas si Aleyny ay hinalikan muli nya ang kanyang asawa. Nasabi na lamang nya sa sarili nya na napakaswerte nya dahil kay Keith. Isang maalaga at mapagmahal na asawa sa kanya at ama sa kanilang mga anak.
Naalala rin nya ang mga panahong inalagaan sya ni Keith ng nasa ospital sya.
>>>>>>> Flashback
" Sino ka? " tanong ng babae ng makita nya ang dalawang taong nasa harap nya. Hindi sya pamilyar sa mga mukha ng mga ito.
" Hindi mo ako maalala? " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya bago sya ito yakapin.
" Hindi " itinulak nya ang lalaki sa pagkayakap. " Sino ka ba? at Sino......ako? "
Wala syang naalala ng kahit anong tungkol sa kanya. Kahit katiting na alaala ay wala. Wala kahit ano.
" Sya ang asawa mo " sagot ng isang babae na nasa harap nya ito.
Nagulat ang babae ng sinagot ang tanong nya at tila nabigla rin ang lalaking kaninang yumakap sa kanya.
" Kylle " mahinang tugon nito sa kanyang kapatid. Ngunit ipinagpatuloy pa rin nya ang pagsasalita.
" Sya si Keith Paulis ang asawa mo. Dalawang taon na mahigit simula ng ikinasal kayo. Sya naman " sabay turo sa isang batang nakahiga sa may sofa " Sya ang anak nyo, si Cristine Aleyna " paliwanag ni Kylle sa kanya.
Hindi makapaniwala ang babae sa mga sinasabi ni Kylle sa kanya. Hindi nya alam kung maniniwala ba sya sa kanila o hindi, dahil may bumabagabag sa kanyang isipan.
" Ako sino ako? " muling tanong nito kay Kylle habang nakayuko at tumutulo na ang kanyang luha. " Sino ako? " ulit nya.
" Ikaw si Aleyny Paulis " sagot sa kanya ni Kylle.
Tumango lamang ito at hindi makapaniwala sa mga nalaman.
Ako ba talaga sya? tanong nito sa kanyang sarili. Parang hindi nya tanggap ang mga salita at mga sinasabi sa kanya ngunit hindi nya alam ang gagawin dahil wala syang maalala.
Naramdaman nya na may yumakap sa kanya.
" Honey wag kang mag-alala. Aalagaan kita hanggat di pa bumabalik ang iyong mga alaala. Nandito lang ako parati sa iyong tabi " hinarap ni Keith si Aleyny sa kanya.