ANGELA POV
Mamayang gabi makakaalis na kami dito. Makikita ko na sila at mayayakap. Miss na miss ko na silang lahat. Si Kuya Lay, Kuya Dennis, Mommy, Daddy pati na rin si Ate Xyriel at si Laurence na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ako.
" Aleyny " napatingin ako sa tumawag sa akin.
Napaupo ako ng maayos sa sofa at ngumiti sa kanya. Wala na akong galit na nararamdaman sa kanya. Siguro dahil alam kong minahal nya ako ng totoo at inalaagan at alam kong nagsisisi sya sa mga ginawa nya.
" Mamayang gabi ka tatakas. Wag na kayong magdala ng kahit anong gamit ng mga bata. Ako mismo ang maghahatid sa inyo sa mansion ng mga Spencer. Mag-ingat na lang kayo ng mga bata "
" Thank you Keith. Thank you for evrything. Minahal kita pero bilang si Aleyny. "
" Masaya ako na kahit papaano ay naging akin ka. Siguro si Laurence talaga ang para sa iyo. Hangang-hanga ako sa kanya dahil hindi ka pa rin nya nakakalimutan. Hindi ko matutumbasan ang pagmamahal na binibigay nya sayo "
" Malaki ang pasasalamat na hanggang ngayon hindi sya bumitaw sa pangako nya na ako lang talaga ang mahal nya "
Tumayo naman bigla si Keith at inakay ako patayo at bigla akong niyakap. Tahimik lang sya habang nakadukdok sa balikat ko. Nararamdaman ko na rin ang pamamasa ng balikat ko.
" Im sorry Keith "
" You don't need to say sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo sa mga kagaguhang ginawa ko. Patawarin mo ako "
" Pinatawad na kita Keith. " sabay hagod sa likod nya.
~
Dumating na ang gabi. Naghahanda na kami ng mga bata. Halos naiplano na ni Keith ang mga gagawin namin.
" Mommy, Daddy. Saan tayo pupunta? " tanong ni Tintin sa amin.
Si Keith na ang lumapit sa kanya at binuhat sya. Binuhat ko na rin si Dandan upang makalabas na sa kwarto namin. Pababa na kami ng hagdan ng makita namin si Ate Kylle na nagtataka ang mukha.
" Saan kayo pupunta? " tanong nya sa amin.
Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ang mga kamay ko at parang gustong bumigay ng mga tuhod ko.
" Mamasyal lang kami ng mga bata, Ate tsaka mamimili kami ng gamit patungong Japan. " komportableng sabi ni Keith kaya sumang-ayon ako sa kanya.
" Ah ganon ba? Mag-ingat kayo " sabi ni Ate Kylle kaya tumungo na kami sa may pinto pero bago namin mabuksan ang pinto tinawag ako ni Ate Kylle.
" Angela Spencer "
" Bakit po Ate? " agad kong sabi kaya napatakip ako sa bibig ko.
Nakita ko ang kakaibang pagngiti ni Ate Kylle. Dahan-dahan syang lumapit sa amin kaya mabilis kaming lumabas ni Keith pero may nakaharang na mga lalaki.
" Hawakan mo si Tintin. Dito lang kayo sa likod ko " sabi ni Keith.
" Ano gagawin mo Keith? " tanong ko sa kanya.
" Poprotektahan ko kayo hanggang kaya ko " nakangiti nitong sabi bago sugudin ang mga kalaban.
Umiiyak na ang mga bata at gustong lapitan si Keith pero hinawakan ko sila ng mabuti hanggang sa mawala na ang mga nakaharang sa amin.
Sabay na kaming tumakbo ni Keith papalabas mismo sa labas ng mansyon. Hawak-hawak nya ang kamay ko at si Tintin ng biglang may pumutok. Siguradong putok ng baril iyon.
" Kei..keith " kinakabahan kong sabi ng makita kong may umaagos na dugo sa bandang tagiliran nya.
" Daddy! Daddy! " iyak ng dalawang anak ko.
Nilapitan ko si Keith na nakaluhod na sa lapag. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.
" Keith. Kaya mo 'yan diba? Tumayo na tayo paparating na sila " akay ko sa kanya pero tinanggal nya ang kamay kong nakahawak sa kanya
" Umalis...na...kayo ng mga..bata " nahihirapan nyang sabi. " Sige na.. Umalis na kayo... Ang pangako mo..aalagaan mo... ang anak natin.. "
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin sya. Kung maiiwan ako kasama sya, hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya at pare-pareho kaming pahihirapan ni Kylle pati mga bata madadamay.
" Aalis na tayo " hinila ko na ang mga bata papaalis kay Keith.
" Daddyyyyy! Daddyyyy! " sigaw ng mga bata pero hinila ko sila.
Hindi ko na nilingon si Keith. Hindi ko rin alam kung papaano kami makakatungo sa bahay namin. Bahala na. Sana may tumulong sa amin.
~
Part one lang po muna. Alam kong waley ang chapter na ito. Woah! Ang tagal ko ng hindi nakapag-update. Nawa'y patawarin nyo ako hahahaha.
Comment naman dyan para ganahan akong mag-ud. Vote na rin kayo...
Support. Support.. Hahaha xD
haeangel.
![](https://img.wattpad.com/cover/29828897-288-k247560.jpg)