ALEYNY POV
Tulad ng sabi ni Ate Kylle tutungo kami sa investigator na hinire nya para malaman ang nakaraan ko. Diba kapag may nagkaka-amnesia, unti-unti dapat maaalala ang mga nakaraan. Bakit ako ang tagal bumalik? Naalala ko tuloy ang magulong check up sa akin ng doctor.
Flashback..
Nandito ako ngayon sa ospital nagpapagaling. Hindi ko alam ang tunay na nangyari sa akin kung bakit nawala ang alaala ko. Sabi ni Keith na asawa ko daw, nabagok daw ang ulo ko sa sahig ng banyo.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Nakita ko na kasama ni Ate Kylle at Keith ang doctor. Kapansin-pansin naman na namumutla yung doctor.
" Doc. Ano po findings po? " agad kong tanong.
" You have a temporary loss memories. Ibi--- " hindi natapos ang sasabihin nya ng magsalita si Ate Kylle.
" It means na hindi mo na maaalala ang lahat sa nakaraan mo "
" Pero sabi ng doctor ko temporary lang naman. Ibig sabihin may posibilidad na maalala ko ang nakaraan ko " pagpupumilit ko. Hindi pwede na mabuhay lang ang ako sa present. Kailangan ko ang nakaraan ko.
" Pa..pasensya na.. Nagkamali ako ng sa..sabi. Mali itong papel na na..nakuha. Ku..kunin ko lang " sabi ng doctor at lumabas kasabay si Ate Kylle.
Naiwan naman ako dito kasama si Keith. Lumapit sya sa akin at tumabi ngunit lumayo ako. Hindi ko ramdam na minahal ko sya.
Ilang sandali lang bumalik na ang doctor. Binawi nya ang unang sinabi nya at sinabing long term memory loss. Ang ibig sabihin maaaring bumalik ang alaala ko ngunit matagal lamang na panahon ang hihintayin ko.
End of Flashback
..
" Nandito na tayo Aleyny " bumalik ang wisyo ko ng huminto na ang sinasakyan namin
Bumaba kami dito harap ng isang Italian Restaurant. Pumasok kami kaagad at dumiretso sa isang lalaking hindi katandaan. Umupo kami kaagad at nagsimula ng mag-usap.
" May alam na po ba kayo tungkol sa akin? " tanong ko sa kaagad.
" Kayo na ang bahala sa kanya Investigator Joson " paalam ni Ate Kylle na mukhang malungkot ang mukha. Bakit kaya?
Umalis na si Ate Kylle at naiwan kaming dalawa ng investigator. Ramdam ko ang tensyon at kaba sa aking sarili. Kinakabahan ako sa maari kong malaman.
" Aleyny Santiago ang pangalan mo ng pagkadalaga. Si Angeline Santos-- Santiago ang pangalan ng iyong ina at ang iyong ama ay si Roberto Santiago. Nag-iisa ka lang anak nila " paunang sabi nito.
Hindi ko alam pero pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko. Bawat salitang binabanggit nya ay parang mabubuo na ang aking pagkatao.
" They call you baby princess dahil nga sa nag-iisa kang anak pero Queen ang tawag ng mga pinsan mo sa'yo "
Baby princess? Queen? Ibig sabihin lahat ng napapanaginipan ko ay may kinalaman sa aking pagkatao. Konektado pala ito sa buhay ko akala ko simpleng panaginip lang.
" Pero bakit po kilala ako ng mga Spencer? Angela pa nga ang tawag nila sa akin. Akala ko tuloy kilala nila ako "
" Ang mga Spencer ang may kinalaman sa pagkamatay sa iyong mga magulang " parang biglang huminto ang nasa paligid ko ng marinig ko ang sinabi nya.
" Na..matay? " nangingilid kong luha.
" Car accident ang nangyari sa pagkamatay ng iyong mga magulang. Ang mga Spencer ang may kagagawan ng lahat. Dahil hindi kaya ng pamilya nyo ang magsampa ng kaso ay wala silang nagawa at namatay ng walang hustisya ang mga magulang mo " paliwanag nya sa akin.
Nakaramdam ako ng galit sa dibdib ko. Akala ko ang babait nila dahil sa gusto nila ako. Ayun pala dahil may kasalanan sila sa akin. Kinamumuhian ko sila!
" Paano ko nakilala ang mga Paulis? " tanong ko sa kanya.
" Nagtangka kang magpakamatay noon. Tatalon ka sana sa isang tulay mabuti na lamang nakita ka ni Keith at nailigtas ka. Sya ang nag-alaga sa'yo ng sobrang depressed ka. Kahit hindi ka nya kilala inalagaan ka nya " dagdag pa nya.
Lalo akong naiyak sa sinabi nya. Si Keith ang nagligtas sa akin kaya hanggang ngayon buhay pa ako. Sobra-sobra pala ang utang ko kay Keith kahit pala ang buhay ko ang ibayad sa kanya ay kulang pa.
KYLLE POV
Pauwi na kami matapos kausapin ni Aleyny ang investigator na kinuntsaba ko. Ang lahat ng sinabi nya ay scripted lang. Ako ang nagplano ng meeting na ito at mukhang effective namin kasi kita ko sa mukha ni Aleyny ang lungkot at galit.
" Kinamumuhian ko ang mga Spencer " mahinang banggit nito sa kanyang sarili.
Tama lang na kamuhian mo sila. Ikaw mismong sariling anak nila ang gagawa ng paraan para lumubog sila.
Agad kaming nakarating sa bahay nila. Nagpaalam na rin ako dahil may aasikasuhin pa akong ibang plano.
ALEYNY POV
Wala ako sa wisyo na pumasok sa kwarto namin ni Keith. Nakita ko sya na nasa harap ng monitor at busy sa pagpipindot sa keyboard.
" Oh Honey nandyan ka na pala. Kumain na ba kayo ni Ate Kylle? " tanong nito sa akin at lumapit sa akin tsaka ako hinalikan sa labi.
Bigla ko na lang syang niyakap. Umiyak ako sa kanya na parang bata. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ng mga magulang ko. At itong lalaking kayakap ko ang nagligtas sa akin sa kamatayan.
" Honey shhh. Bakit ka umiiyak? " nag-aalalang tanong nya.
" Honey paano mo ako nakilala? " agad kong tanong. Gusto ko sya mismo manggaling ang mga salitang gusto kong marinig.
Hinarap nya ako at pinunasan ang luha ko. Hinila nya ako at inupo ako sa gilid ng kama samantalang nakaluhod naman sya sa harap ko habang nakahawak sya sa kamay ko.
" Bakit mo ako niligtas kahit hindi mo ako kilala? " tanong kong muli.
" Kilala na kita noon kaso may iba kang mahal. Sabi ko sa sarili ko sa oras na wala na kayo ako naman ang susuyo sa'yo para patunayan ko ang lihim na pagmamahal ko sa'yo. Masaya na ako dati na pasulyap-sulyap kahit hindi ako ang nginingitian mo ok lang kasi masaya na rin ako. Pero isang araw may trahedyang nangyari sa pamilya mo. Iniwan ka ng taong mahal mo at sumama sa iba kaya nakakuha ako ng pagkakataon na ako naman ang mag-ala--- " hindi ko pinatapos ang sasabihin nya at hinalikan ko sya.
Sya lang ang may karapatan na magmay-ari sa akin at wala ng iba. Palalim na ng palalim ang halik na ginagawa namin sa isa't-isa. Alam kong iba ang patutunguhan nito pero ayos lang. Sa kanya lang naman ako at akin lang sya.
======
Maikli lang ata ang UD na toh? Hehehehe. Pero atleast merong UD at napaaga ang pagpublish. Dapat bukas pa kaso narealize ko na meron pala kaming pasok hehehe.
Ang galing pala gumawa ng story nila Kylle at Keith dinaig pa ako. Hmmp! Hahaha.
Thanks sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta, boto at komento. Salaammmmuucchhh! :*
_haeangel_