Chapter 13

426 20 0
                                    

ALEYNY POV

" Honey are you ok? " napatingin ako kay Keith. " Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka? Ano bang nangyari sa may restroom? " takhang tanong nya.

" Wala naman " sabay ngiti sa kanya.

Tinuon ko naman ang pansin sa may stage uli ng mahagip ko ang masamang tingin ni Angela sa akin. Nahihiya ako sa nangyari kanina.

Flashback...

" This is your room " sabi ni Laurence ng makapasok kami sa kwarto ko daw.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Pamilyar sa akin ang lugar pero hindi ko maalala na nakapasok na ako dito.

" Naniniwala ka na ba sa akin? Ikaw ang tunay na Angela Spencer. Please comeback to us "

" Hindi. Ako si Aleyny Santiago-Paulis. Si Angela nasa labas at engagement party nyo ngayon " hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinasabi nya.

" Ano ba gagawin ko para maniwala ka? Eto pa ang patunay para maniwala ka na talaga " pursigido nyang sabi at may kinuha sa may cabinet.

Hinila nya ako papaupo sa may tapat ng tv. Ipinasok nya ang isang cd sa dvd. Kinakabahan ako habang may hinahanap syang files.

" Eto ang patunay. This is the video of our engagment party " sabi nito sa akin.

Kahit gusto kong tumayo hindi ko magawa dahil biglang nanghina ang tuhod ko. Nawalan ako ng lakas.

Plinay nya na ang video pero biglang nagbukas ng malakas ang pinto. Napalingon kami doon at nakita namin si Angela na masama ang tingin sa aming dalawa. Kita ko ang gulat nya habang nakatingin sa may tv kaya binalak kong lumingon pero pinigilan nya ako.

" Wag kang lilingon " galit nyang sabi at mabilis na pumunta sa may tv at inoff.

" What are you doing Jaizel?! " tumayo na si Laurence sa pagkaupo kaya tumayo na ako.

Jaizel? Bakit Jaizel tawag nya kay Angela? Nalilito na talaga ako.

" Nasisiraan ka na ba ng ulo? Engagement party natin at eto pa ang makikita ko " sabay baling nya sa akin. " At ikaw, may asawa ka na. Lalandiin mo pa ang asawa ko. Ang landi mo naman " sabi ni Angela sa akin.

" Stop it Jaizel. Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan si Angela. Baka nakakalimutan mo na hindi ikaw ang tunay na Angela at sya ang totoo " pagtatanggol ni Laurence sa akin.

" I know Laurence kaya hindi ko hahayaang masira lahat ng plano ko "

" Ganyan ka na ba kadesperada? "

" Please stop " sabi ko sa kanila. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila.

" Are you ok? " tanong ni Laurence.

" Ayos lang ako. I need to go " iwan ko sa kanila.

Lumabas na ako ng kwarto at bumalik kila Keith.

End of Flashback.....

Natapos na ang party kaya umuwi na kami. Tahimik pa rin ako habang nasa byahe kami kahit ng makarating kami sa bahay.

JAIZEL POV

Naiinis talaga ako dahil muntikan ng makita ni Aleyny yung video kagabi. Kahit na hindi ako tumanggi na hindi nga ako si Angela ay alam kong nagdadalawang isip pa sya kung maniniwala sya. Wala naman kasing patunay na ipinakita si Laurence.

Remembering My First Strict LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon