Chapter 10

535 25 20
                                    

LAURENCE POV

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Spencer, sa kwarto ni Angela. Dahil sa nangyari ng isang araw na may gustong malaman si Angela sa tunay na pagkatao nya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang mabawi sya.

" Oh Jaizel ikaw pala. Bakit ka nandito? " tanong ko ng pumasok sya.

Ako naman busy sa pagtitingin o pangunguha ng mga gamit na maaring makatulong upang bumalik o maniwala sya sa mga sasabihin ko.

" Stop it Laurence! " bigla nyang tinaob lahat ng gamit ni Angela na nilagay ko sa kahon.

" Ano bang ginagawa mo Jaizel?! " galit kong sigaw sa kanya at pinulot ang mga gamit sa lapag.

" Bakit hindi na lang ako yung mahalin mo? " napatingin ako sa sinabi nya. Umiiyak sya sa harapan ko.

" Ilang beses ko bang sinabi na si Angela ang mahal ko at kahit kailan sya lang ang mamahalin ko " sagot ko sa kanya at tumayo upang ilapag uli ang kahon.

Bigla naman nya akong niyakap mula sa likudan. Ramdam ko ang luha nyang bumabasa sa damit ko.

" Ako naman si Angela. Kilala na ako bilang si Angela Spencer pero ikaw kahit kailan di mo akong tinawag na Angela. Kahit isang beses hindi "

" Alam mo ang sagot ko dyan. Jaizel maraming magkakagusto sayo. Hindi ako bagay sa'yo " sagot ko sa kanya at tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin.

Nagulat na lamang ako ng humarap sya sa akin at hinalikan ako sa labi. Hinayaan ko lang sya pero hindi ko tinugunan ang halik nya upang malaman nya na hindi ko sya kayang mahalin tulad ng pagmamahal na binibigay nya sa akin.

Biglang bumakas ang pinto. " Laur--- oh my gosh. Sorry " sinara kaagad ni Tita Maricar.

Humiwalay naman kaagad si Jaizel sa akin. Kita ko sa mukha nya ang lungkot na nararamdaman nya. Pareho lang kaming nasasaktan. Nagmamahal kami na iba ang minamahal.

" Jaizel ihinto muna ang kahibangan na nararamdaman mo. "

" Hindi kahibangan ang pagmamahal ko sa'yo. Gagawa ako ng paraan para maging akin ka " pursigido nyang sabi.

" Bahala ka. Pero eto tandaan mo, kahit kailan hindi ako magiging sa'yo " naglakad na ako upang kumuha ng ilan pang gamit.

Ayaw ko mang magsabi ng masasakit na salita sa kanya pero kailangan. Sya lang ang masasaktan sa huli kaya dapat sa una pa lang ipamukha ko sa kanya na hindi ko sya kayang mahalin.

" Magpapakasal tayo " napalingon ako sa kanya. " Ipipilit ko sa kanila na ikasal tayong muli "

Umiling-iling lang ako at bumuntong hininga. Di ko na lang sya pinansin at tinuloy ko na lang ang gagawin ko. Sa oras na bumalik na ang lahat ng alaala ni Angela sya ang papakasalan ko. Sya lang at wala ng iba.

JAIZEL POV

Alam ko na ang tingin nyo sa akin. Isang masama at disperadang tao. Sorry naman pero nagmamahal lang ako sa taong hindi ako mahal pero alam ko balang araw mamahalin nya ako. Sobra pa sa pagmamahal na binibigay nya kay Angela.

" Baby princess " napahinto ako sa paglalakad ko patungo sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Mommy. Sya lang ang naging kakampi ko.

" Yes Mommy " sagot ko ng hindi ako lumilingon.

" Alam kong hindi. Anak kaya kita " sagot nito sa akin at lumapit sa akin.

Anak kaya kita. Boom! Sana ako na lang talaga ang anak mo para makuha ko ang atensyon nilang lahat.

" Mommy gusto ko uli magpakasal " lakas loob kong sabi. Pa-pakalan na ng mukha pero disperada na ako.

" Why? Nag-usap na ba kayo ni Laurence about dyan? " tanong nito sa akin.

" Lagi naman po syang busy. Hindi na po sya nagkakaroon ng time sa akin. Tsaka diba kasal na kami ng una pero hindi pa rin kami nagsasama sa isang bahay kaya gusto ko pong uli magpakasal para gampanan nya na ang pagiging asawa sa akin " mahabang sagot ko sa kanya. Sana pumayag ka na Mommy para wala ng magawa si Laurence.

Bumuntong hininga muna si Mommy. " Tama ka Angela. Malalaki na kayo at siguro kailangan nyo na magkaroon ng sariling pamilya " sabay ngiti nito sa akin.

Sa sobrang sayo ko napayakap ako kay Mommy. " Mommy Thank you. You're the best Mom ever "

" Nangbola ka pa. Oh sige ipapaalam ko sa kanila na magpapakasal na uli kayo ni Laurence " aalis na sana sya pero pinigilan ko.

Hindi pwede nilang malaman na ako ang humiling na ipakasal ako kay Laurence. Paniguradong tatanungin nila ako.

" Bakit baby princess? "

" Mommy wag nyo pong sabihin na ako ang humiling na ipakasal uli kay Laurence. Kasi po nakakahiya "

" Asus yun lang pala. Ok " ngumiti ito sa akin bago umalis.

Yes! Sabi ko sa'yo Laurence magiging akin ka na ng tuluyan. Haharap na tayo sa altar kahit Angela pa ang gamit kong pangalan basta ang importante ako ang kasama mo.

ALEYNY POV

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi na Investigator sa akin. Mukha kasing di gagawa ng ganoong kasama ang Spencer pero etong isip ko sinasabi nila na kamuhian ko sila. Di ko na alam ang gagawin ko. Susundin ko ba ang sinasabi ng isip ko o kutob nitong puso ko.

" Honey, nakatulala ka na naman dyan " napapitlag ako ng magsalita si Keith. Nginitian ko na lamang sya at binalik ang tuon sa tv.

" Oo nga Daddy. Laging ganyan si Mommy " sabay pout ni Tintin.

" Nag-aaway po ba kayo ni Daddy? Siguro iniisip mo po na may kabet si Daddy " napatingin kaming lahat kay Dandan.

" Mommy what is Kabet? " tanong ni Tintin.

" Dandan saan mo nalaman ang salitang iyon? " tanong ni Keith.

" Kabet means mistress in english ate Tintin. Napanood ko lang sa tv. Kasi yung babae laging nakatulala tas iniisip nya na may ibang asawa yung asawa nya " nakangiti pa nitong sabi.

Hindi ko alam kung matatawa o pangaralan ko si Dandan sa napapanood nya sa TV. Ako iniisip kong may kabet ang asawa ko. Kahit kailan di ko iisipin yun. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero subukan lang nya mawawala lahat kami sa kanya.

" Alam nyo mga anak, DanDan at Tintin. Kahit kailan hindi ako maghahanap pa ng iba pa bukod sa Mommy nyo. Maganda, mabait,.maalaga, masiyahin at lahat na ng katangian na mabuting ina at asawa nasa Mommy nyo na bakit pa ako maghahanap ng iba. Sobra sobra pa nga sya. Diba Honey? " baling ni Keith sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi kinikilig ako sa kanya. Kahit mag-asawa na kami wala pa ring kupas ang pagpapakilig nya.

" Ayiie si Mommy namumula " pang-aasar ng dalawang anak ko.

" Naku kayo pinagkakaisahin nyo ako. Sa susunod wag na kayong manonood ng tv kapag walang kasamang matanda. Ok? " sabi ko na lamg sa kanila.

" Opo Mommy " sagot nila Dan at Tin

" Honey I love you " bulong ni Keith sa akin

" I love you too " sagot ko sabay baling sa kanya.

Sya na ang pinakasweet at pinakamamahal kong asawa sa buong buhay ko. Kahit hindi ko naramdaman at maalala ang nakaraan ko. Magiging masaya ako sa present at magiging future ko kasama sya at ang anak namin.

-----

last update ko na ito baka matagalan uli ang hindi ko pa-uupdate pero i'll do my best para maisingit ko ang pagsusulat :D

THANKS sa pagbabasa.

vote. comment enjoy reading

-haeangel-

Remembering My First Strict LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon